
NIA-UPRIIS nakasungkit ng award
LUNGSOD NG CABANATUAN–Nasungkit sa ikalimang beses ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (NIA-UPRIIS) ang “Best Integrated Irrigation Systems Office of the Year” sa ika-61 anibersaryo ng pagkakatatag ng NIA noong Hunyo 21 sa Diliman, Quezon City.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Department Manager Engr. Si Getrudes Viado, Hall of Famer na ang ahensiya para sa Best ISSO matapos makuha ang naturang award ng sunud-sunod mula noong 2019.
Kinilala rin ang UPRIIS Division 3 sa pangunguna ni Engr. Elenita L. Toquero sa pagiging “Outstanding Integrated Irrigation Service Division Office” para sa 2023.
Kabilang sa iba pang awardees ang UPRIIS Division V Irrigators Association (IA), NACATAMAACO IA, Inc. na pinamumunuan ni President Dante A. Lazatin, na kinilala na isa sa nangungunang limang outstanding irrigators association para sa National Irrigation System (NIS) Category.