
4 drug suspek nahuli sa Palawan
CAMP BGEN Efigenio C. Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro–Naaresto kamakailan ng mga miyembro ng Police Regional Office (PRO) 4B ang apat na suspek sa pangangalakal ng ilegal na droga sa Palawan.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Benhar, 33; alyas Kadapi, 30; at alyas Masad, 18, sa Sitio Lindagong, Brgy. Bancalaan, Balabac, Palawan matapos magbenta ng shabu sa police poseur-buyer na miyembro ng Balabac police.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang shabu na nagkakahalaga ng P14,000, buy-bust money at mga drug paraphernalia.
Samantala, nahuli si alyas Jayson, 49, sa Juan Luna St., Brgy. Cabigsing, Cuyo, Palawan ng mga tauhan ng Cuyo police Station at Palawan PPO Provincial Drug Enforcement Unit.
Nasamsam ng mga awtoridad kay Jayson ang 3.24 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P14,580 at buy-bust money.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong drug suspect at inihahanda ang mga reklamo ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).