
Netizens, Edu binulabog ng anak ni Luis, Jessy
IBINAHAGI ng aktres na si Jessy Mendiola ang ilang larawan ni Isabella Rose, anak na babae nila ng TV host-actor na si Luis Manzano.
Makikita sa mga larawan na pinost ng aktres ang kanyang anak na nakaupong mag-isa, suot ang cute nitong outfit.
“Good morning po!” saad ni Jessy sa caption ng kanyang latest Instagram post.
Samantala, kinatuwaan naman ng beteranong aktor na si Edu Manzano ang mga nabanggit na larawan ng kanyang apo at nagbigay pa nga ng papuri kay Isabella Rose sa comment section.
“Growing more and more beautiful every day. Hi Isabella,” komento ng ama ni Luis sa post.
Bukod kay Edu, nagbigay komento rin ang ilang netizens sa larawan ng bata.
“Good morning little curly boo boo. So cutie!” komento ni user @krystledc._.
“Apaka gandang bata,” saad naman ni user @rubielynemartinezgarma.
“Ganda talaga ng bb girl…mana sa mama,” ayon kay user @polaronliz.
“Grabe ang ganda ganda mo baby rosie,” komento naman ni user @therealcristy02.