Neri Screenshots mula sa Instagram/@chitomirandajr

Neri emosyonal sa surprise b-day party ni Chito

September 10, 2023 People's Tonight 175 views

HINDI napigilang maging emosyonal ng aktres na si Neri Naig matapos siyang surpresahin ng isang birthday party ng kanyang asawa at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Ibinahagi ng singer-songwriter ang naging reaksyon ng kanyang asawa sa kanyang surprise birthday party sa isang Instagram post nitong Sabado, Setyembre 9.

Present sa nasabing birthday party ang mga kaibigan at malalapit na kakilala ng dalawa na binati at niyakap pa nga si Neri sa video.

Tila umiyak ang aktres nang makita ang surpresa ni Chito kaya’t napaakap pa nga ito sa kanyang asawa.

“Last week, nag set-up kami ng surprise party para kay Neri, kasama ng mga friends namin dito sa Alfonso. Sooobrang salamat sa mga super friends namin na tumulong at nag-effort para maging successful yung surprise party… mahal na mahal namin kayo,” pahayag ni Chito sa caption ng kanyang post.

Sa dulo ng kanyang post ay binunyag din ni Chito na palaging si Neri ang naghahanda para sa iba kaya’t masaya ang musikero na nasurpresa niya ang kanyang asawa.

Sobrang saya ko na na-surprise si Neri kasi palagi nalang siya ang nag-aabala maghanda para sa iba, so ngayon, siya naman. We love you, Ms.Neri!!!” wika ng Parokya ni Edgar frontman.

AUTHOR PROFILE