Scarlet Mga larawan mula sa Instagram/@chekakramer

Chesca Garcia, Doug Kramer proud sa homeschool journey ni Scarlett

September 10, 2023 People's Tonight 192 views

PROUD ang celebrity mom at model-actress na si Chesca Garcia-Kramer at kanyang asawa na si former basketball player Doug Kramer sa naging journey sa homeschooling ng kanilang anak na si Scarlett.

Sa isang Instagram nitong Sabado, Setyembre 9, nagbahagi ng ilang larawan si Chesca kasama ang kanyang anak at asawang si Doug kramer kalakip ang isang mahabang caption na alay sa mga ipinamalas ni Scarlett sa kanyang pag-aaral.

“Scarlett has blossomed in her independence, excelling in self-study, time management, and taking ownership of tasks,” pahayag ng celebrity parents sa caption ng kanilang post.

“Her unwavering focus and willingness to seek answers make her a beacon of growth,” dagdag pa ni Chesca.

Saad din ng model-actress at basketbolista na mayroong angking husay sa pagbe-bake ang anak nilang si Scarlett na kaya niyang ipamalas.

“Her compassionate nature, generous spirit, and exceptional baking skills demonstrate her potential to impact the world positively,” wika ni Chesca.

Bilang mga magulang ni Scarlett patuloy silang magiging “cheerleaders” para sa anak ayon sa dalawa.

“As parents, we pray she continues to honor God, using her talents to bring glory to His name,” pagpapatuloy ng celebrity parents.

“We are immensely proud of Scarlett and will forever be her ardent cheerleaders,” anila pa.

AUTHOR PROFILE