Aubrey Mga larawan mula sa Instagram/@milesaubrey

Aubrey Miles sa pagpanaw ng ina: ‘The grief will never end’

September 10, 2023 People's Tonight 186 views

LABIS ang pagluluksa sa yumao niyang ina na si Maria Perla Santos ang model-actress na si Aubrey Miles na makikita sa kanyang mga recent online posts.

Sa Instagram page ng aktres ay makikita ang sunod-sunod na makabagbag damdaming mga mensahe para sa pagpanaw ng ina na hindi pa tukoy ang dahilan ng pagkamatay .

Sa pinakalatest post ni Aubrey nitong Sabado, Setyembre 9, ibinahagi niya ang ilang larawan ng yumaong ina kalakip ang isang kanta mula sa The Carpenters na “We’ve Only Just Begun” na saad ng aktres ay kanilang paborito ng kanyang nanay.

“Mothers don’t fear death. They’re afraid of leaving behind their children knowing that nobody will love and care for them like she did,” pahayag ng aktres sa caption ng kanyang Instagram reel.

“As an adult, the only time i feel like a child is when I’m with my mom. I will never feel that anymore. The grief will never end,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, ang pinaka-unang post ni Aubrey patungkol sa pagpanaw ng kanyang Mama Perla ay isang quote card na may nakalagay na, “My mother taught me many things in life, except how to get through life without her.”

Ang sumunod namang post ni Aubrey ay isa niyang larawan na hawak-hawak ang isang payong kalakip ang caption na, “Grief lasts longer than sympathy.”

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang kapwa celebrities ni Aubrey sa comment section ng kanyang post.

“My deepest sympathy to you and your family,” komento ng multi-platinum Filipina singer at actress na si Geneva Cruz.

“Sorry to hear this. My deepest sympathy to your family! Condolences. Love you,” pahayag naman ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto.

“My dearest Aubs, sending you love & prayers for your Family as well. Our deepest condolences,” pakikiramay naman ng singer-actress na si Jessa Zaragoza.

Nagpaabot din ng kanyang pakikiramay ang asawa ni Aubrey at aktor na si Troy Montero sa kanyang Instagram page.

Nag-post ang aktor ng isang family picture kasama ang yumaong si Mama Perla kalakip ang caption na “Rest in Peace Mama.”

AUTHOR PROFILE