Mark

Mark at Nicole nagdiwang ng second wedding anniversary

September 10, 2023 Aster Amoyo 190 views

NAG-CELEBRATE ng kanilang second wedding anniversary sina Mark Herras at Nicole Donessa noong nakaraang September 8.

Sa Instagram at pinost ni Mark ang short message for Nicole.

“To my better half, worst half, half life, half rice. Happy 2nd year wedding anniversary my love! We have a long way to go but always remember anu man ang mga pagsubok na dumating ay kakayanin natin para kay Corkyboy! Love you itchy.”

Sa comment section, sumagot si Nicole ng: “Love you itchy!!!!! Happy Anniversary to us!!! Excited for the life we have planned ahead for our little family. And happy birthday to Mama Mary.”

Sa isang separate post naman, nag-share si Nicole ng video ng kanilang anak na si Corky na bitbit ang isang bouquet of red and white roses. May caption ito na: “Happy Wedding Anniversary Mama & Dada and Happy Birthday to our Mama Mary.”

Liezel at Martin nagpalitan ng messages sa social media

MartinSA pagtatapos ng ‘Voltes V: Legacy,’ nagpasalamat sa isa’t isa sina Liezel Lopez at Martin del Rosario sa kanilang nabuong samahan habang ginagawa ang nasabing serye.

Matatandaan na mahigit tatlong taon ang inabot ng produksyon upang mabuo ang live-action adaptation ng popular Japanese ’70s anime.

Sina Liezel at Martin ang gumanap bilang dalawa sa mga kontrabida sa buhay ng Voltes V team na sina Prince Zardoz at Zandra.

Sa X (formerly Twitter), ibinahagi ni Liezel ang masayang larawan nila ni Martin kalakip ang sweet message niya para sa aktor.

“I’d like to think that Zardoz is now with his Najmi where he is loved and cared for and Zandra is happy to finally be free with her Jomfre. Thank you to all of you who supported us in this Journey.

I’m grateful to have spent 3 years working with an actor as passionate as you MD.”

Agad naman na sinagot ni Martin ang post na ito ni Liezel para sa kanya.

“It was a great and memorable journey with you Najmi and the entire Voltes V team that I will always be proud of. It was a journey of fun, passion, and a lot of discoveries. I had so much fun working with such a talented actress like you. Til our next project together.”

Magsasama ulit ang dalawa sa teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’

Sparkle artists tumulong sa paglilinis ng dalampasigan

DUMALO at tumulong ang Sparkle artists na sina Shuvee Etrata, Angela Alarcon, Seb Pajarillo, at Sandro Muhlach sa coastal clean up sa Tanza Marine Tree Park sa Navotas City.

Ang coastal clean up ay isa sa mga activities ng Kapuso at Kasambuhay ng Kalikasan.

Sa pakikipagtulungan sa Nestlé, ito ay bahagi rin ng International Coastal Clean Up events ng GMA at ng Sparkle.

Ayon kay Angela, na-miss niya ang ganitong mga activity na sinimulan niya noong nasa kolehiyo pa lang siya.

“Back in college, I used to do this a lot. Parang I’m given an opportunity to do it again. Sobrang happy ako.”

Sanay na sanay naman si Shuvee sa mga coastal clean up dahil siya mismo ay mayroong organization sa Bantayan Island sa Cebu kung saan ginagawa nila ang ganitong activity quarterly.

“I’m very excited, very happy, grateful to have been chosen as one of the Sparkle artists who joins both GMA and Nestlé event for coastal cleanup.”

Samantala, first time ng Sparkle artists na sina Seb at Sandro na sumali sa mga ganitong advocacy program. Sinabi ng dalawa kung gaano sila kasaya na mabigyan ng pagkakataon makatulong sa kalikasan.

Ayon kay Seb, “happing-happy naman ako with Sparkle na binibigyan kami ng ganitong types of opportunity to empower our society, our environment.”

Nagpapasalamat din si Sandro sa oportunidad na ibinigay sa kanya na makatulong sa ganitong mga proyekto.

“Nakaka-fulfill siya sa feelings ko kasi ‘yun nga, it’s my first time and parang more on nakakatulong na nga ako, nagugustuhan ko pa ‘yung ginagawa ko.”

AUTHOR PROFILE