WHAT'S NEW

SEE ALL
Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

September 10, 2023 People's Tonight 149 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4Tiktok5KUNG perfect body at skin ang pag-uusapan, tiyak na kayang-kaya makipagsabayan ng TikTok star na si Ash diyan, dahil sa taglay nitong kagandahan at kaseksihan ay talaga namang tinitingala siya ng netizens sa nasabing social media platform.

Si Ashley Jade o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Ash” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 89.7 thousand followers at 818.5 thousand likes sa kanyang account na may username na @hottieasshley. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram, na mayroon nang lagpas six thousand followers sa kasalukuyan.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body at skin, pagiging fashionista, lifestyle content, at lip syncing skills sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Ash sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE