
Nathan Randal handa nang tuparin ang pangarap
“FROM the heart,” ani Nathan Randal, 16, singer, nang tanungin namin kung saan nanggaling ang kanyang hilig sa music. “It’s been my dream. I was around 4 years old when I would sit on my dad’s lap in his office and then sing his kind of songs. Mga country music. Mga 9 years old naman ako when I did a musical play with Lou Veloso and Ivy Violan and other artists sa Sta. Ana, Manila.”
Sumali rin siya sa ilang singing competitions sa school. “And then, nung pandemic, sumali rin ako sa isang competition sa Kumu where I was named champion,” kuwento pa ni Nathan.
Bilang isang bagong singer, naparangalan na rin siya ng Aliw Awards, at ng Dangal ng Bayan.
Napansin siya ng isang music producer at binigyan siya ng pagkakataon na makapag-record ng isang awitin, ang “Rapunzel” na ngayon ay nasa Spotify na. Nang dalhin siya sa Viva Records, agad na-impress sa kanya si Boss Vic del Rosario, gayundin ang anak nitong si Veronique del Rosario-Corpus kaya pinapirma siya ng kontrata sa ilalim ng Viva Artists Agency.
Nakagawa na rin siya ng pangalawa niyang single, ang “Pagka’t Ako’y Nagmamahal sa ‘Yo” na mapapakinggan na rin sa Spotify at iba pang platforms.
Handa rin siyang subukan ang pag-aartista. In fact, nakapag-workshop na siya sa Viva.
“Kahit anong role ang ibigay sa akin, I’m ready,” ani Nathan nang tanungin namin kung anong role ang gusto niyang gawin.
Pero handa raw naman siyang maghintay ng tamang panahon at wala sa bokabularyo niya ang salitang pagkainip basta matupad lamang niya ang pangarap. Malaking tulong para sa kanya ang gabay ng kanyang manager na si Tata Figues (dating actress Grace Nueva) at ng kanyang magandang mommy na si Ethel del Rosario.