LTO Screen grab mula sa video ng pananaksak ng gulong na naipost sa TikTok Source: TikTok

Nanaksak ng gulong ipinatawag ng LTO

March 21, 2024 Jun I. Legaspi 179 views
@dudezkie.moto

@Land Transportation Office #LTO sana ma actionan, tanggalan sana ng lesensya

♬ original sound – Dudezkie Moto – Dudezkie Moto

NAGLABAS na ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) sa may-ari ng motorsiklo na sumaksak sa gulong ng delivery van na viral ngayon sa social media.

Nakilala ang maangas na rider sa pamamagitan ng plaka ng kanyang Yamaha Sniper (851QBN) na nakita sa video.

Residente ng Malabon City ang rider na inatasang humarap sa LTO Central Office sa Quezon City sa March 25 upang mabigyang linaw ang insidente at matukoy kung siya rin ang rider nang mangyari ito.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na dapat magsilbing isa pang paalala sa lahat ng mga motorista na iwasang gumawa ng marahas na aktibidad na bunga ng road rage.

“Marami na tayong naparusahan dahil sa road rage at muli pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayang motorista na iwasan ito dahil kayo din ang malalagay sa alanganin,” sabi ni Mendoza.

Sa viral video, nakitang nakikipagtalo ang motorcycle rider sa driver ng isang puting delivery van bago ito kumuha ng maliit na kutsilyo at tinusok ang gulong sa harapan ng sasakyan.

Agad tumakas ang rider at iniwan ang puting delivery van na flat ang gulong.

Ilang netizens ang agad na nag-tag sa LTO sa social media na nag-udyok kay Mendoza na atasan ang LTO Intelligence and Investigation Division na gumawa ng agarang aksyon.

AUTHOR PROFILE