Tahong

NALASON SA TAHONG!

August 24, 2023 Zaida I. Delos Reyes 270 views

Binatilyo patay, 34 naospital

ISA ang nasawi habang 34 iba pa ang naospital matapos malason umano sa pagkain ng tahong na pinaniniwalaang kontaminado ng red tide toxin sa Pilar, Capiz.

Sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Pilar, isang binatilyo ang nasawi sa insidente.

Sinabi ni Ronald Roa, fishery coordinator sa Pilar, mula Lunes ng hapon hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 35 katao kabilang ang nasawi ang isinugod sa pagamutan dahil umano’y pagkakalason.

Ang mga biktima ay mula sa mga barangay ng Binaobawan, Rosario, San Ramon, Natividad at Poblacion.

Nakaranas aniya ang mga biktima ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pamamanhid ng katawan matapos kumain ng tahong.

Kaugnay nito, agad naman nagpalabas ng executive oder si Pilar Mayor Arnold Perez para ipagbawal ang pag-harvest, pagkain at pagbebenta ng shellfish sa kanilang bayan.

Nangako din ang alkalde na magbibigay ng tulong sa mga apektadong residente at sa mga nalason.