Patay

Nakaupong lalaki itinumba ng RIT

June 15, 2024 Jojo C. Magsombol 75 views

PATAY ang lalakI nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang riding-in-tandem (RIT) sa Sitio Galile, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal noong Huwebes.

Bandang alas-9:40 ng umaga ng may tumawag sa Antipolo City police na may binaril sa naturang lugar na nakilalang si Ronnel Janjan Hilario Eleuterio.

Ayon sa report, nakaupo sa kanyang motorsiklo ang suspek ng dumating ang dalawang lalaki na sakay ng Kawasaki Rouser na walang plate number.

Mabilis na bumunot ng baril ang backride at walang awang pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek sa direksyon ng planta ng Solid Cement Corp. sa Brgy. San Jose, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE