Default Thumbnail

NAIA T3 tinamaan muli ng ‘power outage’

June 9, 2023 Jun I. Legaspi 233 views

NAKARANAS na naman ng “power outage” ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA T3) ayon sa mga awtoridad.

Kinumpirma ito ng Department of Transportation (DOTr) sa isang text message.

“Yes, confirmed. Pero as of 1:29 p.m., normal power (from Meralco) has been restored, per Manila International Airport Authority (MIAA),” ayon sa DOTr, sa pinadalang text message.

Ayon sa repot ang brownout ay nagsimulang akong 12:15 p.m., agad pinaandar ng mga awtoridad ang generator para magkaroon ng kuryente at ipagpatuloy ang mga transactions sa NAIA.

Naibalik din agad ang kuryente ng 12:29 p.m., Hunyo 9, 2023.

Sa isa pang text message mula sa MIAA Media Affairs, wala pang maibigay na detalye ito sa brownout dahil kasalukuyang nagsasagawa ng meeting ang mga opisyales ng ahensiya at magbibigay ito ng mga detalye matapos ang pagpupulong.

Samantala, ayon sa mga ulat, humaba ang pila ng mga pasahero dahil na rin sa epekto ng nasabing power outage.

Sa ginawang press briefing, humingi ng paumanhin si MIAA Officer-in-Charge (OIC) Brian Co sa mga naabalang mga pasahero dahil sa insidente.

Sinabi nito na ginagawa na nila ang lahat para hindi na maulit ang insidente at wala ring masyadong epektong nagyari sa operation ng MIAA at mabilis din naibalik ang normal operations ng naturang paliparan.

AUTHOR PROFILE