WHAT'S NEW

SEE ALL
Kulong

Nagnenok ng copper wire tiklo

September 9, 2023 Jonjon Reyes 347 views

SWAK sa selda ng Manila Police District Sta. Ana Police Station 6 ang isang 42 anyos na lalaki dahil sa pagnanakaw Sabado ng madaling araw sa Quirino Avenue ng Skyway 3.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jason Agullon, Station Commander, ang suspek na si ‘Aurelio,’ ng Batangas Lane, Barangay 800 San Andres, Bukid.

Nakatakas naman ang dalawa pang kasama ng suspek.

Nahuli ang suspek bandang 3:30 ng madaling araw nang maaktuhan kasama ang dalawa pa na aktong ninanakaw ang copper wire cable na 14 na metro ang haba.

Nagkakahalaga ng P23.520.20 ang ninenok ng mga suspek, ayon sa pulisya.

Humingi ng tulong sina Rexenor Dagui at Aureleus Leonardo Cagande, mga empleyado ng Skyway Operation and Maintenance Corp., para ipahuli ang suspek.

Ayon kay Dagui, nag-iikot sila ito sa naturang lugar nang mamataan ang suspek kasama ang dalawa pang suspek na ninanakaw ang copper wire cable na pag aari ng Skyway.

AUTHOR PROFILE