Posas

Nagnenenok ng kable huli

February 7, 2024 Jonjon Reyes 154 views

NATIMBOG ng mga barangay tanod ang lalaki na nagnanakaw ng mga kable ng kuryente sa J. Bocobo St., Malate, Maynila noong Miyerkules.

Namataan nina Jayson Balitian at Roberto Abejona Polistico ang suspek na si alyas Jhunel sa tuktok ng cable post na may hawak na kutsilyo habang pinuputol ang mga kable.

Sinita nila ang suspek at sinabihan na bumaba pero nang makita ng suspek ang mga barangay tanod nadulas ito at tuluyang nahulog dahil sa gulat.

Nagtangkang tumakas at tinakbuhan ang mga tanod ng suspek pero hinabol ang lalaki hanggang sa makorner at tuluyang natiklo.

Sinubukan pang saksakin ng suspek ang isa sa mga tanod gamit ang kutsilyo pero nakailag ang biktima.

Nahaharap ang suspek sa kasong pagnanakaw at grave threat dahil sa ginawa nito sa mga tanod.

AUTHOR PROFILE