Nokturno

Nadine, umaasang manunumbalik ang interes ng moviegoers sa Pinoy films

August 31, 2023 Ian F. Fariñas 239 views

AMINADO ang two-time FAMAS best actress awardee na si Nadine Lustre na choosy na siya sa pagtanggap ng mga proyekto dahil medyo taxing din kapag sunud-sunod ang trabaho.

Pero sa katatapos na story conference ng bago niyang proyekto na Nokturno, sinabi ni Nadine na hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ito.

Una, reunion movie nila ito ng award-winning Deleter director niyang si Direk Mikhail Red. Pangalawa, bet na bet ng aktres ang pagiging out-of-the-box ng Nokturno.

Bale ikalawang horror movie pa lang ni Nadine ang nasabing proyekto kaya naman hindi pa rin niya maatim na i-claim ang pagiging bagong “Horror Queen.”

“I don’t think I can claim it but I’m happy na naka-receive ako ng award for my performance in Deleter,” sey ng aktres.

Ayon kay Direk Mikhail, sa northern provinces kukunan ang mga eksena ng pelikula na tungkol sa sumpa ng tinatawag na “kumakatok.”

Ito ang mga nilalang na matangkad, payat at may mahahaba at mapuputlang daliri na nakasuot ng belo at hindi naaaninag ang mukha.

Sa kadiliman sila kumakatok sa mga bahay at pinaniniwalaan na may dala silang sumpa.

Sa loob ng tatlong araw, ang taong nagbukas ng pinto o ang mga mahal nila sa buhay ay mamamatay.

Gagampanan ni Nadine ang papel ni Jamie, isang OFW sa Dubai. Umalis siya sa bayan ng San Sebastian dahil sa mapait na nakaraan at sa kanyang ina na tila may problema sa pag-iisip.

Nang mamatay ang kapatid niyang si Joanna, mapipilitan si Jamie na umuwi para alagaan ang nakababatang kapatid na lalaki at para alamin ang sagot sa ilang mga katanungan.

Ngayon pa lang, excited na si Nadine sumabak sa panibagong papel na gagampanan niya.

Nang tanungin kung posible ba itong ipasok sa paparating na Metro Manila Film Festival, ang sagot ni Direk Mikhail, “Personally, I want the biggest audience possible. We want to share our story na with as much people as we can. Hopefully, ’no, we’ll try na mapasok, pero I’m sure naman na may ibang opportunities… with our films naman, laging nagma-matter sa akin ’yung distribution. I want it to be seen and be shown and even beyond the Philippines, usually lagi rin namin pini-festival abroad. That’s something na we like doing with our movies. So, we’ll see, ’no, hopefully.”

Hindi man daw sila mapabilang sa walong opisyal MMFF entries, parang reward na rin para kay Direk Mikhail at sa team niya ang makagawa ng ganitong klase ng genre film.

Para naman kay Nadine, grateful siya na tuloy ang tradisyon ng taunang pestibal.

“I think if anything I’m really grateful na, you know, there’s MMFF ulit. Kasi para sa akin po it’s not really a competition. It’s more of Filipino filmmakers coming together and, you know, putting out their films para sa lahat ng mga tao. So, hindi naman, I don’t feel anything about it. Parang masaya lang po ako na if makapasok man po ‘yung Nokturno sa MMFF, at least marami rin ang makakapanood like Direk said earlier and ‘yun na po. I dont see it as a competition, hindi naman nakakatakot or anything. Happy na kami na mapanood ng mga tao ‘yung pelikula namin,” pahayag pa ng aktres.

Umaasa rin si Nadine na muling sisigla ang tumamlay na industriya ng pelikula at manunumbalik ang interes ng Pinoy audience sa panonood sa mga sinehan.

Aniya, “Ako I’m really just hoping na it changes. I’m happy that, you know, tradition has been kept like everyone watches ‘pag MMFF and that’s a tradition for a very long time na. But I’m really hoping that, you know, kahit hindi MMFF sana tangkilikin ‘yung mga pelikulang Pilipino. And just like what Direk said, when you make a movie kasi, it’s very expensive and for a lot of filmmakers parang when people watch from the cinema parang ‘yun ‘yung pambawi nila for the expense. Pero kasi sa streaming, iba talaga ang earning ‘pag streaming. So, ‘yun lang po. I’m really hoping that it changes.”

Makakasama ni Nadine sa Nokturno sina Bea Binene, JJ Quilantang, Wilbert Ross at Eula Valdez.

Handog ng Evolve Studios at Viva Films, ang Nokturno ay nakatakdang ilabas bago matapos ang taon.

AUTHOR PROFILE