Beadom Bea Alonzo and Dominic Roque

Nababalitang hiwalayan nina Bea at Dominic maingat ang pagtalakay

February 5, 2024 Eugene E. Asis 143 views

INGAT na ingat ang mga nagbabalita na tila naghiwalay na raw sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ito ay sa kabila ng balitang pinaghahandaan na ng dalawa ang kanilang kasal.

Sa huling interbyu namin kay Dominic, nabanggit niya ang tungkol sa paghahanda na rin nila sa pagkakaroon ng anak. Sinabi pa ni Dominic na tulad niya, gusto rin niyang magkaroon ng anak kay Bea.

Hands on din daw siya sa paghahanda para sa kasal.

Pero umiiwas siya sa detalye ng araw at kung saan gaganapin ang kasal. Iilan nga lang daw ang kanilang iimbitahin.

Pero nitong mga huling araw, iba ang hinala ng mga kilalang showbiz vlogger na sina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Kung matatandaan, sa dalawa nag-umpisa ang tsismis ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

May iba pa silang mga pangalang nabanggit na sinasabing maghihiwalay (o hiwalay na) at napatunayang tama sa bandang huli.

Sa bahagi nina Bea at Dominic, ang mga basehan nila ay ang pagkawala ng engagement ring sa daliri ng aktres, kasabay sa pagsasabi ni Bea sa isang interbyu na wala siyang masasabi tungkol sa plano ng kasal.

Kahit paulit-ulit ang tanong, walang masabi si Bea. At sa mga magkahiwalay na okasyon sa kanilang mga pamilya, wala ang isa’t isa doon.

Tama ang sinabi ng kaibigang Ogie Diaz na sayang kung totoo ito dahil bagay talaga ang dalawa. Kaya ‘wag naman sana.

Pag-aresto sa film director kinondena

Castro
Director Jade Castro

NAKAKAKABA ang nangyari sa film and TV director na si Jade Castro.

Nakasama siya sa isang grupong inaresto dahil diumano sa panununog ng isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon.

Diumano, nagbabakasyon sila ng kanyang mga kaibigan sa Mulanay, Quezon nang arestuhin sila ng mga pulis at ikulong.

Warrantless arrest diumano ang nangyari.

Kilalang indie director si Jade pero may mga nagawa rin siyang mainstream movies tulad ng ‘My Lady Boss’ at ‘LSS.’

Kinondena ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) sa pamamagitan ng presidente nitong si Mark Meilly ang pangyayari. May mga iba pang organisasyon ang kumokondena sa pag-aresto kay Direk Jade.

Hinihintay pa namin ang mga susunod na kaganapan sa pangyayaring ito.

Redgie masama ang loob sa MIFF

Christoper
Christopher de Leon (center) with Piolo Pascual and Dingdong Dantes

MASAMA ang loob ng line producer ng pelikulang ‘When I Met You in Tokyo’ na si Redgie Acuna Magno dahil sa hindi pagkaka-nominate kay Christopher de Leon bilang best actor sa nakaraang Manila International Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California (USA).

Narito ang kanyang pahayag sa kanyang Facebook account.

“First of All, congratulations to all the winners at the MIFF most especially to our very own , Miss Vilma Santos for winning the BEST ACTRESS award…

There is just something that I want to ask the organizers of MIFF….this is also the same question asked by all who watched the movie When I Met You In Tokyo because Christopher De Leon was very good in the movie. So the question is WHY was Mr. CHRISTOPHER DE LEON NOT EVEN NOMINATED? He may not be your choice as Best Actor , we respect that..and your choices Dingdong D and Piolo P are both good actors as well and deserving..

But IT IS NOT ABOUT BOYET DE LEON NOT WINNING. BUT NOT EVEN BEING NOMINATED in the BEST ACTOR category..WHY??? For me that is so DISRESPECTFUL, WICKED and DISGUSTING!!! WAS IT REALLY THAT DIFFICULT TO NOMINATE HIM? There will be No issue if he did poorly in the movie but he did a very good portrayal of his role in the movie that is why many are questioning why he was NOT EVEN NOMINATED.. Mr De Leon attended the event , fixed his busy schedule to be present at the event and to give his support to MIFF.. and to just be given this kind of TREATMENT??..really so DISGUSTING!! NO ONE FROM THE ORGANIZERS REALLY THOUGHT OF NOMINATING HIM???? WHY po ??? . So, MIFF organizers, respectfully , we will really appreciate an explanation why Mr. Christopher De Leon nomination was not even considered, PLEASE EXPLAIN WHY????

Kayo na ang humusga.

AUTHOR PROFILE