Default Thumbnail

MWP sa Zamboanga Sibugay timbog sa QC

December 7, 2021 Francis Naguit 269 views

DAHIL sa tatlong counts ng kasong panggagahasa, isang most wanted person sa Zamboanga Sibugay ang naaresto matapos mamataan Lunes ng gabi sa Culiat,Quezon City.

Sa pinagsanib na puwersa ng District Investigation Division, Special Operation Team ng Manila Police District at ng mga operatiba ng PNP – Diplayan Police , inaresto ang suspek na si Gilbert Baclas,33, binata , security guard , tubong Diplahan , Zamboanga Sibugay at nanunuluyan sa 95 Adelta St., Barangay Culiat , Visayas Avenue, Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya , bandang 8:40 p.m. nang isilbi ang arrest warrant ni Judge Josephino Bael , ng Regional Trial Court Br. 31 ng Imelda , Zamboanga Sibugay. Walanginirekomendang piyansa.

Inaresto si Baclas matapos makipag ugnayan ang MPD sa PCP 1 sa Station 14 sa QCPD. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE