Crime

Murder suspek timbog

August 12, 2023 Bernard Galang 238 views

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga–Nahuli ng pulisya noong Huwebes ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Pakistani noong Mayo sa Dinalupihan, Bataan.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nahuli ang suspek nang magsagawa ang hepe ng Bataan police na si Col. Palmer Tria ng police operation na nagresulta sa pagkakahuli kay Angelo Perez, 30, ng Purok 1, Brgy. Bangal, Dinalupihan, Bataan.

Katulong ang Bataan Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni Lt. Alexander Aurelio kasama ang Mariveles police at Bataan 2nd PMFC sa Sitio Judea Brgy. Mt. View, Mariveles, Bataan sa paghuli kay Perez.

Nakuha mula sa kanya ang isang hand grenade, isang .45 pistol na kargado ng anim na bala, isang .45 magazine na may walong bala, 10 bala para sa .45 pistol, 24 na bala para sa .38 na baril at apat na sachet ng shabu.

Kasunod ang pag aresto kay Perez sa pamamaril kay Imran Akhtar, isang 44-anyos na negosyante mula sa Pakistan noong Mayo 23 sa isang pribadong resort sa Dinalupihan.

AUTHOR PROFILE