MPD Lubos ang pasasalamat ni Police Lt.Col.Rosalino “Jhun” Ibay, MPD-SMART chief, Ibay kay MPD Director Police Brig. General Leo M. Francisco dahil sa buong suporta nito. Kuha ni JON-JON REYES

MPD-SMART todo-bantay sa vax sites, todo-tugis sa kriminal

July 28, 2021 Jonjon Reyes 469 views

MAHIGPIT pa rin ang pagbabantay ng Manila Police District -Special Mayor Reaction Team (MPD-SMART) sa mga vaccination sites sa Lungsod ng Maynila at walang tigil pa rin ang pagtugis nila sa mga kriminal na nambibiktima pa rin ng kapwa sa gitna ng pandemya.

Ito ang pahayag ni Police Lt.Col.Rosalino “Jhun” Ibay, MPD-SMART chief, sa mga mamamahayag ng MPD Press Corps (MPDPC).

Ibinahagi rin ni Ibay ang mga accomplishment ng MPD-SMART kasama na rin ang mga pagtulong sa mga batang Maynila, mga police operstion labsn krimen at pagpapanatili ng peace and order sa Maynila.

Lubos rin ang pasasalamat ni Ibay kay MPD Director Police Brig. General Leo M. Francisco dahil sa suporta nito at palaging pag-papaalala na doblehin ang pag iingat at pagbabantay sa kani-kanilang mga areas of responsibility sa lungsod lalo na’t dumarami na ang kaso ng COVID-variants.

Nagpasalamat din si Ibay sa mga mamamahayag dahil naihatid nito sa mamamayan lalo na sa lungsod ng Maynila ang mga accomplishment ng MPD-SMART sa panahon ng sa pamamagitan ng mga forum na ginaganap ng MPDPC sa MPD Headquarters sa U.N Ave,Ermita Manila.. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE