Sekyu

MPD-2 nagbigay parangal sa bgy chairman, mga sekyu

February 16, 2022 Jonjon Reyes 359 views

PINARANGALAN ng Manila Police District Moriones Police Station 2 ng “Certificate of Commendation” ang ilang security guards at barangay official na ginanap nitong nakaraang Lunes sa tapat ng Andres Bonifacio Shrine sa Tutuban Center Mall sa Claro M. Recto Avenue, Tondo.

Matapos idaos ang flag-raising ceremony, nagkaroon ng programa sa pangunguna ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll.

Dumalo sa programa sina Edwin Fan na guest of honor at speaker, presidente ng Manila Chinese Action Team (MCAT), Bishop Ireneo Cariaga, P/B Imelda H. Genoso, P/B Roberto D. Tolentino, at P/B Lea F. Chua.

Ang naturang pagkilala ay pinagkaloob ng himpilan ng MPD Station 2 sa mga masisipag na mga security guards at brgy. chairman dahil sa kontribusyon nito sa pangangalaga ng peace and order sa area ng nasabing himpilan ng pulisya.

AUTHOR PROFILE