
‘MMK’ ni Charo babalik, buhay ni Sofronio unang kuwento
TIYAK na matutuwa ang followers ng naging longest-running (over 30 years) and award-winning weekly drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” (or “MMK”) hosted by award-winning actress and former president of ABS-CBN na si Charo Santos-Concio. Babalik ito sa ere at digital platforms simula sa April 24, 2025 on iWant TFC and and A2Z and two days later sa Kapamilya Online (Live) at sa Kapamilya Channel on April 26, 2025.
Ang “Maalaala Mo Kaya” (or MMK) started airing on May 15, 1991 at nagtapos sa ere nung December 10, 2022.
At the recently-concluded star-studded 2025 ABS-CBN Ball na ginanap sa grand ballroom ng Solaire Resort North in Quezon City nung nakaraang Biyenes ng gabi, April 4, 2025 naibahagi ito ng award-winning actress and drama anthology host na si Charo Santos-Concio.
Among the early episodes na aabangan sa bagong MMK ay ang lifestory ng “The Voice USA” champion na si Sofronio Vasquez na gagampanan ng mahusay na young actor na si Elijah Canlas maging ang kuwento ng isa sa mga miyembro ng The Nation’s Girl Group, ang BINI.
Samantala, wala sa immediate plans ni Charo ang pagre-retiro sa kanyang profession bilang actress, TV host at TV executive at 69.
Kinagigiliwan ng mga manonood ang kanyang pagganap sa role ni Tindeng sa top-rating action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo.” Aabangan din siya sa kanyang bagong pelikula with Dingdong Dantes na pinamagatang “Only We Know,” isang romantic-drama movie na pinamahalaan ni Irene Villamor at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa June 11, 2025.
Si Charo ay huling napanood sa pelikulang “Kun Maupay Man It Panahon” with Daniel Padilla na ipinalabas nung 2021.
Kathryn at Karla nagbatian
TIYAK na masaya ang KathDen fans ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil nagbatian sina Kathryn at mom ni Daniel na si Karla Estrada sa kakatapos pa lamang na 2025 ABS-CBN Ball.
Ang isa sa mga close friends ni Karla Estrada na si Ruffa Gutierrez ang nag-upload ng picture kung saan magkakasama sila in frame kasama nina Kathryn at Vina Morales. Imposible ring hindi nagkita at nagbatian ang dating magkasintahang Kathryn at Daniel na parehong dumalo rin sa nasabing celebrity event kung saan naroon din ang young star na si Andrea Brillantes na siya umanong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.
Nagbatian din kaya ang dating magkasintahang Paulo Avelino at Janine Gutierrez?
VG Mark nakikita na bilang future wife si Aira
SA isang cycling event in Batangas kung saan kalahok ang triathlete, Sparkle artist at dating flight stewardess na si Aira Lopez, na-curious si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa beauty ng una at sa amazing background nito. Sa Instagram account ng dalaga ay nagpadala ng message si Mark at sa tulong ng kanilang common friends, nangyari ang first date ng dalawa (actually double date kasama ang kanilang common friends) nung August 6, 2024. Since then ay halos inseparable na ang dalawa.
Aware si Aira sa naging ugnayan nina VG Mark at Kris Aquino before, her being a big fan of the Queen of All Media. At naging crush din niya ang dating mister ni Kris na si James Yap nung ito’y aktibo pa sa kanyang basketball career. Hindi niya sukat akalain na nagku-krus naman ang kanilang landas ni Mark na ngayon ay nobyo na niya.
“He is so loving, caring, thoughtful and respectful,” pagbabahagi ni Aira.
Walang isyu kay Aira ang kanilang 20 years age gap ni Mark. Lalo lamang siyang napahanga kay Mark nang ito’y dumalaw sa kanyang parents in Tarlac nung August 21, 2024 kahit wala run si Aira dahil merong itong scheduled flight (bilang flight attendant). Dumalo noon si Mark sa death anniversary celebration ng yumaong ama ni Kris na si dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino in Tarlac. Since nasa Tarlac na rin lamang siya ay dumiretso siya sa bahay nina Aira doon para magpakilala sa parents and family ng kanyang nobya na ngayon.
Nagulat ang parents ni Aira pero napahanga sila sa naging gesture ng politician na nagpakita ng kanyang sincere intention sa kanilang dalaga, an added pogi points for him sa puso ng Sparkle artist.
Ginawa nilang official ang kanilang relasyon nung January 6, 2025 but they were already a couple before that date.
On Mark’s 47th birthday last December 25, (Christmas day), his staff, his family and Aira pulled-off a surprise birthday party for him na ikinatuwa naman nito. That was also the first time na nakilala si Aira ng tatlong anak ni Mark (sa kanyang ex-wife na si Ann) na sina Arielle, Roinin at C2. Earlier ay ipinakilala rin si Aira ni Mark sa kanyang ina, his number one supporter, his Mommy Patsie.
Dahil triathlete si Aira ay marami silang pinagkakasunduan. Isa ring sports buff si Mark who is supportive of all Aira’s interests at kasama na rito ang kanyang pagiging isang social media influencer.
Nakita rin ni Mark sa kanyang bagong nobya ang love, concern at pagiging supportive nito sa kanya maging sa kanyang pagiging isang public servant.
“We have so many things in common,” pahayag ni Aira.
Since busy at sobrang traffic nung nakaraang Valentine’s Day, lumipad pa Hong Kong ang bagong couple para doon i-celebrate ang araw ng mga puso. Over night lamang nag-stay in Hong Kong ang dalawa at lumipad din sila kinabukasan pabalik ng Maynila.
Although two years and four months pa lamang si Aira bilang flight attendant (una sa Cebu Pacific then PAL), she decided to quit from her regular job to focus on her career bilang social media influencer at sa kanyang passion bilang athlete. Tumutulong din siya ngayon sa pangangampanya for Mark na tumatakbo bilang kinatawan sa ikatlong distrito ng Batangas.
Plano rin ng magkasintahan na mag-host ng sarili nilang joint podcast.
Mark sees Aira as his future wife gayundin si Mark as her future husband.
Samantala, parehong wini-wish nina Mark at Aira ang agarang paggaling ni Kris.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermoyo and X@aster-amoyo.