
MMFF, MIFF may mga ‘di napagkasunduan
MAY naaamoy kaming malaking problema ngayon sa pagitan ng mga nangangasiwa ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Pilipinas at ang Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles, California na magkahiwalay na pinamunuan nina MMDA and MMFF Chairman Don Artes and MIFF Chairman Omen Ortiz.
Marami ang nakapansin na wala umano ang MMFF logo sa backdrop ng MIFF considering that they’re supposed to be partners.
Hindi rin umano in-acknowledge ang presence ni Atty. Artes at the gala night ng MIFF na ginanap sa Beverly Hilton Grand Ballroom in Beverly Hills, California, USA noong February 7.
Ayon sa information na nakuha namin, ayaw umano ng MMFF na magkaroon pa ng hiwalay na awards night ang MIFF dahil tiyak na magku-contradict ito sa judgment of awards ng MMFF sa Pilipinas.
Pero hindi umano sinunod ng MIFF at ipinagpatuloy pa rin ng MIFF ang kanilang pamimigay ng award including Audience’s Choice Award kung saan ang audience ang namili ng sarili nilang winners tulad ng Best Picture, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor at Best Director, among others.
Apat na major awards ang nakuha ng musical movie na “Song of Fireflies” – Best Picture, Best Actress (Morissette Amon), Best Supporting Actress (Rachel Alejandro) at Best Supporting Actor (Noel Comia, Jr.).
Si Seth Fedelin naman ang nanalong Best Actor for the movie “My Future You” with Francine Diaz at director ng pelikula na si Crisanto Aquino ang tinanghal na Best Director.
Ayon sa aming informant, nagkanda-buhol-buhol umano ang screening schedules ng mga pelikulang kalahok sa filmfest na may tig-iisa lamang screening.
Most these films hindi pa gaanong tinao kaya wala umanong choice ang MIFF kundi ang ibagsak sa 50% ang screening tickets to $12.50 habang ang pelikulang “Green Bones” was shown for free.
Marami rin siyempre ang nagtaka kung bakit napasama ang isa pang musical movie sa MIFF dahil hindi naman umano ito kasama sa mga entries ng 50th MMFF.
Maraming `whys’ ang kailangang sagutin at ipaliwanag ng MIFF.
Although awardee ang record-breaking movie na “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na joint production ng Star Cinema ng ABS-CBN at ng GMA Pictures for Box Office Award, umagaw pa umano ito sa screening sched na hindi rin gaanong tinao dahil showing na ito sa Netflix at napanood na ito ng ating mga kababayan sa Amerika dahil naglibot na rin ang pelikula sa maraming bahagi ng Amerika at sa iba’t-ibang bansa.
Wala namang question sa kanilang pamimigay ng Lifetime Achievement Awards dahil ang mga recipients pawang deserving tulad nina Gloria Romero (posthumous), Boots Anson Roa-Rodrigo, Vilma Santos-Recto, National Artist for Broadcast and Film na si Ricky Lee maging kay Mother Lily Monteverde (posthumous).
Maraming tanong ang mga taong nagpunta sa screening ng mga pelikula maging sa gala night ng MIFF laluna ang mga artista, producers and iba’t-ibang team na nagmula pa sa Pilipinas.
Will there be another MIFF next year na ang kapartner nila ang MMFF sa Pilipinas o huling taon na ito ng dalawang organisasyon na magkasama?
Samantala, ang isa umanong dahilan kung bakit hindi gaanong tinao ang screening ng mga pelikulang kalahok sa MIFF dahil sa libreng “Konsyerto Para sa Filipino” sa Amerika na ginanap sa Cerritos Center in Cerritos, California na talagang dinagsa ng ating mga kababayan.
Bukod sa mga performers na kinabilangan nina Joey Albert, Jaya, Jed, Madela, John Arcilla at iba pa, halos lahat ng stars na dumalo sa MIFF gala night present bukod pa sa maraming stars na nagmula sa Pilipinas na wala sa MIFF.
Ang “Konsyerto Para sa Filipino” pinamunuan ng MMDA and MMFF in cooperation with Bagong Pilipinas, CineGang, Philippine Consulate General at PAGCOR and supported by First Lady Liza Araneta-Marcos na sobrang natuwa sa presence at excitement na ipinakita ng ating mga kababayan sa Amerika maging ng lahat ng mga celebrities na dumalo at nag-participate sa free concert.
Ang “Konsyerto Para sa Filipino” sa Amerika ang pinaka-culmination activity ng 50th Metro Manila Film Festival in the US.
Kung mabubuwag ang partnership sa pagitan ng MMDA/MMFF at MIFF, paano na lamang ang MIFF next year?
Sayang naman kung ito’y totoo.
Heaven sinamahan ni Marco sa red carpet premiere ng pelikula
PALABAS ngayon sa mga sinehan nationwide ang horror movie na “Lilim” na pinagbibidahan ng Viva star na si Heaven Peralejo kasama sina Eula Valdez, Ryza Cenon, Mon Confiado, Rafa Siguion-Reyna, Phoebe Walker, Gold Aceron, Nicole Omillio at kung saan ipinapakilala ang child actor na si Skywalker David.
Ito’y pinamahalaan ng mahusay at award-winning director na si Mikhail Red na kilala sa pagiging magaling na director laluna sa mga horror and suspense-thriller movies genre.
Ang pelikula mula sa panulat ng kapatid ni Direk Mikhail na si Nikolas Red habang ang cinematography hinawakan ng father ni Direk Mikhail na si Raymond Red.
Ang nasabing pelikula pumasok din sa official selection ng International Film Festival Rotterdam 2025.
Now we understand kung bakit gusto ni Heaven na panoorin namin ang pelikula dahil siya man kinilabutan sa kabuuan ng pelikula.
One good thing we noticed sa mga pelikula ng young filmmaker na si Direk Mikhail ang kanyang kakaibang atake sa paggawa ng mga horror films tulad ng kanyang mga naunang pelikula tulad ng “Bird Shot” in 2016, “Eerie” and “Dead Kids” nung 2019, “Block Z,” “Deleter,” “Nokturno” among others.
Ang “Deleter” movie na pinagbidahan ni Nadine Lustre nanguna sa box office ng 2022 Metro Manila Film Festival.
Samantala, present ang bumubuo ng cast ng “Lilim” sa red carpet premiere night ng pelikula na ginanap sa Cinema 3 ng The Block ng SM-North EDSA last Monday evening, March 10.
Sinamahan si Heaven ng kanyang boyfriend at ka-loveteam, ang Fil-Italian actor na si Marco Gallo.
Phoebe Walker’s boyfriend, ang DJ-host na si Rico Robles, naroon din para suportahan ang kasintahan.
Naibulong sa amin ni Rico baka this year na umano sila magpakasal ni Phoebe.
Walang bang marriage proposal?
Ang “Lilim” production ng Viva Films, Viva One at Evolve Studios.
Kim at Paulo nakabalik na ng Pilipinas
NAKABALIK na rin sa Pilipinas mula sa Los Angeles, California ang mga bida ng pelikulang “My Love will Make You Disappear” na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, dalawa sa stars na dumalo sa successful “Konsyerto Para sa Filipino” sa Amerika.
The two had the chance na mai-promote ang kanilang first movie together na nakatakdang ipalabas sa Pilipinas ngayong March 26 at sa Amerika on March 28.
Babalik din umano sina Kim at Paulo para sa actual screening ng kanilang movie sa US.
In a way, nakapag-promote na rin ang dalawang bida during the `meet and greet’ na kanilang ginawa sa “Konsyerto Para sa Filipino” kung saan present din ang First Lady na si Atty. Liza Araneta Marcos, maging ang chairman na si Atty. Don Artes and other officers and team ng MMDA and MMFF.
Ang Canada-based Filipina singer-performer at hitmaker na si Joey Albert isa sa mga performers sa “Konsyerto Para sa Filipino” ng MMDA and MMFF led major and celebrity-studded event.
SUBSCRIBE,like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.