MMFF

MMFF 2023 mahigit P1B na ang kinita, pero pelikulang nangunguna napirata na

January 9, 2024 Eugene E. Asis 180 views

MoviesHUMARAP kahapon, Martes, sa media ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ng chairman na si Atty. Romeo ‘Don’ Artes upang ilahad ang ilang magagandang pangyayari sa Metro Manila Film Festival 2023.

Kasabay din nito ang kanilang pasasalamat sa malaking suporta, hindi lang ng media kundi ng sambayanang Plipino na pumila para manood ng mga pelikula.

So far, tinatayang nasa P1.069B na ang kabuuang kinita ng MMFF 2023 sa two-week run nito, at umaakyat pa dahil sa extension run nito. Nangangahulugan na nalagpasan na nito ang kinita ng MMFF 2022 na umabot lang P500M. And we can totally understand that dahil nasa buntot pa rin ng pagkawala ng pandemic ang panahong yun. And nalagpasan na nito ang record ng MMFF 2018 na P1.061 B kung kailan nanguna ang pelikula ni Vice Ganda at Pia Wurztbach na ‘Ganda Rapido.’

Nanghihiunayang din si MMDA chairman Atty. Artes na kakaunti ang mga sinehan na pinagtanghalan ng mga pelikula. “May mga far flung areas pa na devastated pa ang mga sinehan dahil sa pandemic,” aniya.

Mabuti na lang at mnaraming mall theaters ang nadagdag, at ang iba naman ay ni-renovate to adapt to the current generation of m,oviegoers.

Nangunguna pa rin sa listahan ng topgrossers ang ‘Rewind’ nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. At kung magpapatuloy ang upward trend nito, may posibilidad na maabot nito o baka malampasan pa ang record ng highest grossing Filipino film na ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Not to sound like we’re trying to pit each other’s records, we are looking at a more positive side of things. Kung ganito ang tuluy-tuloy na mangyayari sa pelikulang Pilipino, masasabing bumabalik na talaga ang sigla at interes ng manonood sa sariling atin. Matagal na itong hinihiling ng mga stakeholders sa film industry: ang tulungan sila ng gobyerno sa anumang paraan.

Noon pa, may mga humihiling na sana’y mabawasan man lang ang bayad sa mga sinehan para sa pangkaraniwang manonood. Pero ang nangyari sa MMFF 2023 ay isang indikasyon na may pera talaga ang mga tao para sa entertainment. Oo nga naman. If we can afford expensive gadgets like cellphones, laptops at mga high end gaming consoles, why not a less expensive trip to the theaters where we can watch the film comfortably in big screen, sensurround sound?

Ang nakakalungkot lang, talagang ayaw tumigil ng mga unscrupulous individuals na gustong kumita ng fast buck sa pamamagitan ng pamimirata.

Ayon sa acting chairman, m,ay tatlong tao na silang nahuli at nakakulong na ang mga ito. Sa totoo lang, nakapagatataka talaga na nagkakaroon sila ng first hand access sa mga magaganda at malilinis na kopya, lalo na ang nangungunang pelikula sa MMFF na ‘Rewind.’ Clearly, nakakapasok sila sa circle ng mga involved sa paggawa ng pelikula. In other words, we darely say na may mga pirata na insiders,

JoKoy binatikos bilang host ng Golden Globes

PicSAYANG na opurtunidad daw ang pagiging host ng Fil-Am na si JoKoy sa nakaraang Golden Globe awards night.

Binatikos ang komedyante dahil sa kanyang irreverend jokes, at nahirapan siyang i-save ang kanyang mukha kahit na paulit-ulit niyang sinusundan ito ng iba pang jokes.

Kahit na ang local newshen na si Gretchen Ho ay hindi naitago ang kanyang pagkadismaya dahil dito. Wasted opportunity raw ito para sa isang katulad ni JoKoy na malapit nang marating ang tuktok ng tagumpay sa Hollywood na napakatagal niyang hinintay,

Well. there are always second chances.

Kumusta na si Guada Guarin?

GuadaGuada1AKSIDENTENG nakausap namin ang dating bold star na si Guada Guarin. Bagama’t nababanaag na sa kanya ang edad, mukha naman siyang maayos ‘di tulad ng mga ibang nakapanabayan niya na napapanood natin sa ilang vlogs. May anim na anak na si Guada at hindi naman lingid sa marami na dalawa sa mga ito ay ang kilala’t respetadong direktor na si Carlo Caparas.

In fairness to Direk Carlo J, hindi raw siya pinabayaan nito. Ang paghihiwalay nila noon ay dahil na rin sa kagustuhan ni Guada na masarili ang direktor na sa situwasyon noon ay imposibleng mangyari.

Pinuri rin ni Guada ang namayapang misis ni Direk Carlo na si Donna Villa dahil asikasong-asikaso raw siya nito, isang katangian na hindi talaga madaling matagpuan sa isang asawang babae na ang asawang lalaki ay nasa katayuan ni Direk Carlo.

Sa ngayon, masaya ang buhay ni Guada sa piling ng mga anak na halos lahat ay professionals na at siyang nagtataguyod sa kanya. “Iisa na lang ang nag-aaral ko, ang bunso” ani Guada. “At tinutulungan naman siya ng kanyang mga kapatid.”

Katulad ng ibang mga naging artista noon na inuna ang kapakanan ng pamilya, at ang kaunting luho sa buhay, hindi raw siya masyadong nakapag-ipon. “Kahit ang nanay ko na hindi naman talaga naasikaso, inayos ko pa ang lahat nang namatay siya,” kuwento pa ni Guada, “Tinanggihan na siya ng mga kapatid ko. Kaya nung namatay siya, ako pa rin ang naglabas sa kanya sa ospital, at nag-ayos ng kanyang libing.”

Kung matatandaan, si Guada ang kasama noon ng namayapang si Pepsi Paloma sa isang infamous incident na masyadong napaglaruan ng media at ng madlang mahilig sa ganitong kuwento.

Nang tanungin namin si Guada, at tahasang tinanong kung totoo ang mga nailabas sa media, umiiling-iling siya at sinabing: “Tapos na yun. Case closed na. Sabihin ko mang wala naman talaga o mayroong nangyari, hindi na mahalaga. Move on na tayong lahat.”

(Abangan ang full interview namin kay Guada sa aming Youtube channel, GeneNews.PH.)

AUTHOR PROFILE