Crime

Mister patay, misis sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

May 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 334 views

PATAY ang isang mister habang nasa kritikal namang kalagayan ang kanyang misis makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspect sa Cotabato City.

Nakilala ang nasawi na si Tiao Bilon, nasa hustong gulang, at residente ng Barangay Bagua, Cotabato City.

Agad naisugod sa pagamutan ang asawa ng biktima na nakilalang si Maimona na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.

Batay sa inisyal na ulat ng PNP, naganap ang pananambang sa Sitio Pimbaglang, Barangay Kakangan 2, Cotabato City.

Lulan umano ang mga biktima ng motorsiklo patungo sa kanilang trabaho nang bigla na lamang silang dikitan ng riding in tandem at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang lalaki na tumagos sa mukha ng ginang.

Kapwa isinugod sa pagamutan ang mag-asawa subalit hindi na nailigtas ang buhay ng lalaki.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente at maaresto ang mga suspect.