Misis

MISIS MINARTILYO SA ULO NI MISTER

May 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 219 views

PATAY ang isang babae matapos na martilyuhin sa ulo ng kaniyang live-in partner dahil sa labis na selos sa Allacapan, Cagayan nitong Miyerkules.

Kinilala ni Allacapan Police chief Major Joel Labasan ang nasawi na si Judy Juan, habang sumuko naman ang suspek na si Adimar Verbano.

Sa pag-amin ng suspek, sinabi nito na sa gitna ng kanilang pagtatalo ay pinukpok niya sa ulo ang biktima at pagkatapos ay iniwan niya itong nangingisay.

Aniya, nagtungo siya sa carnival kasama ang mga kaanak at nakipag-inuman at nang makabalik siya sa bahay ay nakita niyang patay na ang biktima.

Agad na iniulat ng suspek ang insidente sa mga alagad ng batas at doon nga ay kusang loob na rin siyang sumuko.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.