Default Thumbnail

MISIS, KABIT KINALADKAD SA KULUNGAN!

July 24, 2023 Christian D. Supnad 359 views

‘Bawal na pag-ibig’ may forever!

MARCOS, Ilocos Norte- Dahil sa bawal na pag ibig, isang biyudo at may asawang babae ang kinaladkad noong Linggo sa kulungan matapos silang mahuli ng mga pulis na nagsasama sa iisang bubong sa Brgy Cacafean, Marcos, Ilocos Norte.

Ayon kay Col. Julius Suriben, police director, ang babeng suspek ay 37 anyos, kasal sa ibang lalaki, OFW, at residente ng Brgy Fortuna, Marcos,. Ang kanyang diumanong kabit ay 30-anyos, biyudong obrero at residente ng Brgy Cacafean Marcos.

Ang kanilang pagkakaaresto ay bunga ng asawa ng babaeng suspek, 40, construction worker, atresidente ng Brgy Fortuna Marcos.

Sinabi ng nagrereklamong mister na iniwan siya at kanilang mga anak para sa ibang lalaki.

Ang bawal na pagsasama ng dalawang suspek ay nadiskubre mismo ng ina at mga anak ng babaeng suspek noong July 18, 2023.

Dahil dito, pinakiusapan ang babaeng suspek ng kanyang ina at mga anak na bumalik na lang sa kanilang bahay at iwanan ang kanyang kabit ngunit tumanggi ito.

Dahil dito, nagsumbong ang pamilya sa Marcos police kayat sinugod ang magsing-irog na huling huli na nagsasama sa bahay ng lalaking suspek

Ang dalawang illegal lovers ay nahaharap sa kasong paglabag ng Article 333 ng Revised Penal Code o adultery.