
Miguel nakiusap kay Zsa Zsa na panoorin ang Kapuso serye
Aliw na aliw ang netizens sa recent posts ni Zsa Zsa Padilla na TV series na mina-marathon niya lately sa Netflix.
Tweet niya sa X, “Natapos ko na din ang teleseryeng, Lavender Fields. Ano kaya next na kakahumalingan?”
Sumagot naman ang young actor na si Miguel Tanfelix at inirekomenda ang teleseryeng pinagbibidahan niya sa GMA-7.
“Hello ms zsa zsa! try nyo po silipin yung Mga Batang Riles hehe salamat po,” reply ni Miguel.
Nangako naman ang Divine Diva na ‘yan ang susunod niyang papanoorin.
Sunod na tweet ni Zsa Zsa ay ikinuwento niya na sinimulan na rniya ang “Incognito” na pinagbibidahan naman nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion at marami pang iba.
“Started INCOGNITO. Ang ganda!!! Galing ng action scenes. Congrats, Direk @LesterPimentel at sa fight team mo! Sa mga hindi nakakaalam, si Direk Lester ang fight director ko sa ZZ Zaturnah,” tweet ni Zsazing.
Binanggit din niya na natapos na rin niya ang South Korean series na “Lovely Runner” na pinagbibidahan nina Byeon Woo Seok at Kim Hye Yoon.
“I actually just finished LOVELY RUNNER. Ganda ng story. I found it quite interesting. Grabe naman Papa Byeon Woo-seok !!! Ganda pa ng Boses. *swoon,” anang Divine Diva.
Kanya-kanya namang rekomenda ang netizens ng mga serye para panoorin ni Zsa Zsa.
ABS-CBN EXECS NAG-THANK YOU KAY COCO
Ni-reveal na ang mga bagong karakter na papasok sa “FPJ’s Batang Quiapo” na idinidirihe at pinagbibidahan ni Coco Martin.
Pasok sina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Juan Rodrigo, Paolo Paraiso, Gillian Vicencio, Shamaine Buencamino at screen veterans Michael de Mesa, Albert Martinez, Dante Rivero, Chanda Romero at Celia Rodriguez.
Ayon na rin sa ulat ng ABS-CBN news, ipinakilala ang bagong cast members sa ginanap na Kapamilya Grand Welcome kahapon (Tuesday) na dinaluhan din, of course, ni Coco at ng iba pang co-stars niya tulad nina Charo Santos, McCoy de Leon, John Estrada, Cherry Pie Picache at Christopher de Leon.
Present din sa event ang ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes, Carlo Katigbak at Mark Lopez na nagbigay ng pasasalamat para kay Coco at sa “FPJBQ.”
Nahingan din ng reaksyon si Coco na ang kanyang show ang naging pag-asa ng network during those trying times.
“Ano lang po talaga iyon po ay sa pagtutulungan ng lahat po ng empleyado at mga show ng ABS-CBN. Nagtulong-tulong para lahat magkaroon ng hanapbuhay, maka-survive ang kompanya at makapagbigay ng saya at inspirasyon sa bawat pamilyang nanonood gabi-gabi sa ‘Batang Quiapo,’” sey ni Coco.
Sa ngayon ay pumapasok na sa ikatlong taon ang “FPJBQ” at ayon nga kay Coco ay marami silang pasabog na inihanda para sa serye kasama ang bagong cast members.
Nag-post naman si Charo ng magandang experience sa loob ng dalawang taong pagtatrabaho niya sa serye bilang Lola Tindeng.
“Two years of FPJ’s Batang Quiapo and counting!
“What an honor it is to be part of FPJ’s Batang Quiapo for two incredible years. Our anniversary celebration was a beautiful reminder of how much this show means — not just to us, but to the fans who continue to support our stories.
“From the heroes’ welcome at the ELJ Building, to the storycon with my talented co-stars at the Dolphy Theater, every moment was full of energy and joy. With new characters joining us, Year 3 is bound to be even more exciting.
“A special salute to @cocomartin_ph — a true total package as an actor, director, and producer whose dedication and generosity uplift everyone around him. His passion for storytelling and his giving heart continue to inspire us all.
“Maraming salamat, Kapamilya, for the unwavering love and support! Nagmamahal, Tindeng,” ang post ni Charo sa Instagram.