Pepsi

Pepsi Paloma movie kulang sa MTRCB requirements

January 29, 2025 Jun Nardo 107 views

NAKU, ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) naman ang tiyak na lalabas na kontrabida dahil sa inilabas na statement kaugnay ng controversial movie ni Darryl Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Kamakailan, eh, naglabas ang Muntinlupa Regional Trial Court ng desisyon na ipinabubura ang 26-seconder na teaser ng movie sa lahat ng platforms.

Pero pinayagan ang pagtatapos at pagpapalabas ng movie.

Heto ngayon, ayon sa bahagi ng statement ng MTRCB, hindi pa under review ang Pepsi Paloma film dahil incomplete ang requirements.

Ang requirerments daw ay merong certificate of clearance of NO pending criminal, civil, or administrative case sa Regional Trial Court, Department of Justice at Office of the City Prosecutor.

Nakipag-ugnayan na rin ang MTRCB Legal Affairs Division sa distributor ng movie.

Ginagawa ito ng MTRCB upang hindi malabag ang PD 1986 at ang implementing rules and regulations nito.

Mula po ito kay Atty. Paulino E. Cases Jr., MTRCB vice chairperson at chairperson ng Hearing and Adjudication Committee.

NABAWASAN NG DALAWA

ANIM ang original members ng female P-pop group na Calista. Ngayon ay apat na lang ang members nito.

Ang members nilang si Laiza ay nag-decide na mag-focus na lang sa kanyang pag-aaral habang ang member na si Olive ay co-managed ng Sparkle at nag-aartista na.

Pero tuloy pa rin ang Calista kahit apat na lang silang sing and dance. Kaya naman ang launching ng EP nilang “Four – Finding Our Unique Rhythm”, eh, swak na swak sa kanila.

Ipinamalas ng Calista ang talento sa pagkanta at pagsayaw sa ilang tracks sa album gaya ng “Alas Dose,” “LMK (Let Me Know),” “Opps My Bad” at ang version nila ng hit song ng Hotdog na “Bongga Ka, ’Day.”

May bonus pa itong fifth track. Ito ay ang kantang “‘Wag Na,” na unang subok nila sa kantang ballad.

Taong 2022 nagsimula ang grupo at kahit may mas sikat sa kanilang female group na BINI, walang nadaramang inggit sa kanila. Gusto lang nilang ipamalas ang talento nila at palaganapin sa buong mundo ang OPM songs. Ang Calista four ay sina Anne, Dain, Denise at Elle.

Ang Merlion Entertainment ang namamahala sa career nila at ni Careen Eistrup na napapanood sa “Eat Bulaga.”

AUTHOR PROFILE