Keempee Keempee de Leon

Keempee nagpasyang maging single matapos magsisi sa ginawa sa mga ex

January 29, 2025 Aster Amoyo 79 views

INAMIN si Keempee de Leon na naging hobby niya ang mangolekta ng girlfriends sa showbiz. Pero kapag nagkaproblema ay mabilis niyang iniiwasan ito pati na mismo ang babaeng karelasyon niya.

“During my time kasi, ako ‘yung tipong select and collect eh. So ‘pag meron kaming bagay na hindi napagkasunduan, wala, totally iwasan na lang. Goodbye na lang, gano’n. Wala nang closure talaga.

“Na-realize ko na mali ‘yung mga ginawa ko noong nagka-edad na ako, nag-sorry ako sa kanila. Kaya I chose to be single. Binigay ko muna ‘yung time ko sa Diyos. I now have the peace and joy of God,” sabi ni Keempee.

Ilan sa mga naging girlfriends ni Keempee noon sa showbiz ay sina Manilyn Reynes, Carmina Villarroel, Vina Morales at Cristine Reyes. Niligawan din niya noon sina Aiko Melendez, Mikee Cojuangco at Donna Cruz.

Napapanood ngayon si Keempee bilang si Dado Pascual sa Prinsesa Ng City Jail sa GMA Afternoon Prime.

Sheree maayos ang relasyon sa ex pati sa partner nito

Pic
Sheree Bautista
Pic1
Gian Magdangal at Lara Maige

SIXTEEN years old na ang anak ni Sheree Bautista sa singer-theater actor na si Gian Magdangal. Maayos naman daw ang relationship ni Gian sa anak nilang si Haley.

“Natutuwa ako ngayon sa relationship namin ni Gian. I even guested him in my concert. I genuinely feel na we get along,” sey ni Sheree.

Okey din daw si Sheree sa current partner ni Gian na si Lara Maigue.

“Sana sila na talagang magkatuluyan. Gusto ko yung tandem nila. I’m just happy that our relationship is like this. We’re friends talaga.”

Nakiusap daw si Haley kay Sheree na huwag nang gumawa ng sexy movies. Nag-promise naman ang former Viva Hot Babes na ang mga gagawin niya ay mga wholesome movies na.

Single daw ngayon si Sheree dahil nag-break sila ng kanyang boyfriend of 8 years. Magkaiba raw kasi ang paniniwala nila sa kanilang relasyon.

Martin naging peg si Joker sa contravida role

Pic2
Martin del Rosario

MALAKING hamon para kay Martin del Rosario ang bagong kontrabida role sa bagong season ng action-adventure series na ‘Lolong: Bayani Ng Bayan.’

Sa pagganap ni Martin bilang Ivan, kailangan ay mahigitan daw niya ang huling kontrabida role niya bilang si Prince Zardoz ng Voltes V: Legacy noong 2023.

Kaya bilang aktor ay pinag-aralan nang mabuti ni Martin ang character ni Ivan.

“Si Ivan dito, madalas ang kanyang outbursts and rage. He’s a very violent person. Lahat ng negative traits nasa kanya na because he suffers from manic disorder caused by a past trauma na malalaman din ng mga manonood as the series unfolds,” pahayag ni Martin.

Dahil sa complex role, ginawang peg ni Martin ay ang pagganap ng Oscar winner na si Joaquin Phoenix bilang si Arthur Fleck a.k.a. the Joker sa 2019 film na ‘Joker.’

“Extremes ang behavior ni Ivan dito. Bigla na lang pumuputok ‘yung galit niya and sometimes ay sobrang saya naman niya. Kaya naisip ko ‘yung movie na Joker. Ginawa kong peg si Joker because ‘yung character niya also suffers from mental illness at pabago-bago rin ‘yung range of emotions niya.”

Nagpatubo ng mustache si Martin para mag-mature ‘yung mukha niya.

“Baby face daw kasi ako and growing the mustache helped na maiba ‘yung look ko. Gusto kong mainis sila sa mukha ni Ivan.”

AUTHOR PROFILE