Miguel

MIGUEL AT YSABEL, NAG-ENJOY SA ‘FIREFLY’ SHOOT SA BICOL

December 21, 2023 Ian F. Fariñas 140 views

VOCAL si Miguel Tanfelix sa pagsasabi na isa sa favorite directors niya si Zig Dulay, direktor ng MMFF entry na Firefly, kung saan kabilang sila sa cast ng ka-loveteam niyang si Ysabel Ortega.

Sa katatapos na grand mediacon ng Alessandra de Rossi-Euwenn Mikaell starrer, sinabi ni Miguel na natutuwa siyang makasama si Ysabel sa project dahil finally, na-experience na nito first hand ang dahilan kung bakit niya paborito si Direk Zig.

Isa pa, ito ang kauna-unahang pelikula ng batang aktres.

“Kasi para sa akin learning process pa rin, magtu-20 years na ako sa showbiz industry pero everytime nakakasama ko si Direk Zig, ang dami ko talagang natututunan about sa acting, sa filmmaking,” sey ni Miguel.

Isa pa, na-enjoy din umano nilang dalawa ang shooting dahil para lang silang nagbabakasyon ni Ysabel nang kunan ang ilang mga eksena sa Bicol.

Para naman kay Ysabel, aware siya na paborito nga ni Miguel si Direk Zig bago pa man nila simulan ang Firefly.

Maging siya ay sobrang grateful sa experience na makatrabaho ang director at co-stars niya sa pelikula.

“Siyempre iba ‘yung ‘pag gumagawa ka ng pelikula sa teleserye, eh. Iba ‘yung process. I’m grateful kasi nandu’n si Miguel to enjoy the process with me,” saad ng dalaga.

Anyway, ang Firefly ay isang napakagandang kwento ng pagmamahal sa pagitan ng mag-inang Elay (Alex) at Tonton (Euwenn).

Isa itong coming-of-age drama at adventure road trip na ang cast ay kinabibilangan din nina Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Epy Quizon, Kokoy de Santos, Max Collins at Dingdong Dantes sa espesyal na papel bilang grown-up Euwenn.

Produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, rated “PG” ito ng MTRCB at magsisimulang mapanood sa mga sinehan nationwide sa Dec. 25.

AUTHOR PROFILE