Piolo

Piolo, ’di pinatulan ang ‘demolition job’ issue

December 21, 2023 Ian F. Fariñas 284 views

FIRST time napanood ni Piolo Pascual ang kabuuan ng Mallari nitong Huwebes ng gabi sa matagumpay na world premiere ng Metro Manila Film Festival entry ng Mentorque Productions na distributed ng Warner Bros. Pictures.

Umapaw nga ang tao sa SM Megamall Cinema 3 at matapos ang screening ay nagkaisa sila na malakas ang laban ni Papa P sa pagka-best actor dahil sa tatlong papel na ginampanan niya bilang serial killer priest na si Fr. Severino Mallari at descendants nitong sina Johnrey at Jonathan Mallari.

Katunayan, sa sobrang saya ni Piolo at ng produ na si Bryan Diamante sa reaksyon ng viewers, dedma na sila sa isyu ng diumano’y “demolition job” para i-discredit ang kalidad nito.

Kakaibang level nga kasi ang husay na ipinakita ni Piolo rito, lalo na sa eksena sa loob ng simbahan kung saan nagtatalo ang puso’t isip niya kung gagawin ba niya ang kailangang gawin para isalba ang buhay ng ina niyang ginagampanan ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz.

May tulog din kay JC Santos ang iba pang kandidato sa pagka-best supporting actor dahil ang galing-galing niya bilang bida/kontrabidang si Lucas Alarcon specially sa confrontation nila ni Piolo towards the end of the film.

Sa previous presscons ng Mallari, simple lang si JC pero napakaimportante pala ng role niya sa movie. Dapat n’yong abangan ang twist na ito sa pagkatao ni Lucas.

‘Kaaliw naman ang fans na nagtitilian tuwing magki-kiss sina Piolo at Janella Salvador, na gumaganap bilang Agnes, ang fiance ni Jonathan.

Hats off kay Direk Derick Cabrido at writer na si Enrico Santos dahil maayos nilang natahi ang napakakumplikadong istorya nina Fr. Severino, Johnrey at Jonathan na tumatakbo sa tatlong magkakaibang henerasyon.

Pagbabahagi ni Bryan, nadagdagan ang mga sinehan nila ng 30 percent after last night.

Sabi nga ni Piolo, “Kung meron mang na-achieve, it’s a collective effort, I cannot take credit for it. I was just really happy that everyone stayed on their seats and they sat through the film. Alam mo ‘yung I was really amazed walang nagpo-phone, tapos we’ve got a packed cinema. Parang bumalik ‘yung dati tapos everyone was just really sumisigaw ‘pag nagre-react so nakakataba ng puso at ang sarap sa pakiramdam na ang producer ko, sabi ko, ‘nag-i-enjoy ka, producer ka, eh.’ sabi niya ‘kahit ilang beses ko panoorin and I can’t wait to watch it again.’”

Mapapanood na sa mga sinehan ang Mallari simula Dec. 25.

AUTHOR PROFILE