Michael V, malabong mag-host ng bagong ‘Eat Bulaga’

June 12, 2023 Jun Nardo 344 views

BitoyDENY agad si Michael V nang lumutang sa social media ang tsika na kukunin siyang host ng new Eat Bulaga. Fake news ang depensa ni Bitoy at kung sakaling may offer, eh, hindi raw niya kakayanin ang work load niya.

Of course, hindi puwedeng sumanib sa bagong Bulaga si Michael V. Nagkaroon din kasi siya ng panahong maging guest host sa Bulaga. So, naging OG Dabarkads din siya kaya malabo.

Ang narinig namin na siguradong magiging host ng Bulaga ay ang dating Manila Mayor na si Isko Moreno.

Nagpasampol na siya last Saturday. As of this writing, sa Monday, lalabas siyang muli sa Bulaga.

Teka, dahil wala pang desisyon kung ano ang magiging title ng show sa TV5 nina Tito, Vic and Joey and company, suggestion kong titles na puwede sa kanila – TVJ and Company (ala singing group na VST and Company) o ang sounds like na Legit Bulaga, huh!

DIEGO, WALANG LUSOT

WALANG lusot ang tanong kay Diego Loyzaga sa pagiging ama niya habang nasa Zoom siya para sa mediacon ng Viva movie niya na Will You Be My Ex?

Nasa Perth, Australia si Diego para alagaan ang anak ng kanyang undisclosed partner. Pero naisingit ng TV reporter na si MJ Marfori ang comment na, “Mabuti naman at nakakatulog ka na.”

Sumagot nang konti si Diego.

Pero hindi na nasundan ang tanong ni MJ para kumustahin ang pagiging father niya, huh!

May sumubok uling magtanong tungkol naman sa advice ng father ni Diego na si Cesar Montano sa pagiging tatay niya. Pero hindi nakalusot.
Magsalita man o hindi si Diego na tatay na siya, hindi na mabubura sa isipan ng mga tao ‘yon kahit pa sa June 21 ang showing ng movie with Julia Barretto and Bea Binene na Will You Be My Ex?

AUTHOR PROFILE