Diego

Diego hindi natanong tungkol sa pagiging ama sa presscon

June 12, 2023 Aster Amoyo 314 views

Diego1HINDI nakadalo ng personal ang Viva actor na si Diego Loyzaga sa presscon ng pelikulang “Will You Be My Ex?” dahil ito’y kasalukuyang nasa Australia. Pero naging bahagi pa rin siya ng naturang event via Zoom habang sina Julia Barretto at Bea Binene along with Direk Real Florido ay humarap sa entertainment media at vloggers last Sunday ng tanghali sa bagong bukas na Botejyu sa Araneta Center in Quezon City.

Sa simula pa lamang ng press conference (for the movie) ay nagbigay na ng paalaala ang Viva singer, actress at host na si Jean Kiley na bawal umanong magtanong ng personal and insensitive questions during the presscon kaya walang nagtagumpay na makakuha ng information na may kinalaman sa pagiging new dad ng binata nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Pero si Diego mismo ang nagbahagi ng pahaging na isa na siyang brand new dad sa kanyang Instagram account. Ipinakita niya ang isang litrato na may kargang baby with matching caption na

“The best birthday gift ever (with heart emoji)”. Pero hindi ito nagbigay ng iba pang detalye na may kinalaman sa baby at sa ina ng bagong silang na sanggol.

Diego turned 28 years old last May 21.

Samantala, ang pelikulang “Will You Be My Ex?” ay first team-up sa pelikula nina Diego at Julia Barretto who first work together sa bakuran ng ABS-CBN sa pamamagitan ng dating fantasy weekly series na “Wansapanataym: PetrangPaminta” na sinundan ng fantasy drama TV series na “Mirabella” nung 2014.

Sina Diego at Julia ay parehong nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN bilang bahagi ng Star Magic bago sila nag sign-up with Viva Artists Agency.

Ang pelikulang “Will You Be My Ex?” ay first movie sa bakuran ng Viva ni Bea Binene at first time niyang nakatrabaho sina Julia at Diego. Ito’y nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong June 21.

Michael V pinabulaanang makakasama sa ‘Eat Bulaga’

BitoyFAKE news ang lumabas na balita na inalok si Michael V. (Beethhoven del Valle Bunagan) ng TAPE, Inc. na maging isa sa hosts ng longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga!” on GMA.

Ito’y pinabulaanan ng singer-rapper, actor-comedian at host sa kanyang Instagram account kung saan siya nag-issue ng official statement.

Pero kung alukin man siya ay hindi rin niya umano ito tatanggapin dahil na rin sa kanyang tight schedule.

Si Michael V. ay nagging bahagi rin ng “Eat Bulaga” pero hindi siya nagtagal sa programa dahil din sa kanyang schedule.

Isa si Michael V. sa umaasa na sana’y maging maayos ang lahat sa pagitan ng TAPE, Inc. at nina Tito, Vic & Joey. Hindi rin niya inaalis ang posibilidad na makapag-guest siya sa bagong “Eat Bulaga” at sa sisimulang bagong noontime show ng TVJ sa TV5 dahil mga kaibigan niya ang mga ito.

Concert ng tatlong K-Pop stars tagumpay sa Big Dome

KpopAngelicaNAGING matagumpay ang pagbabalik ng OctoArts Entertainment sa pagpu-produce ng live concert sa pamamagitan ng “K-Pop OVERPASS Music Concert” kung saan tampok sina Baekhyun, Jeon Somi at B.I. na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last Sunday, June 11.

Sinamahan namin ang aming pamangkin na si Glenda Esperas at mga apo (sa pamangkin) na sina Khyla, Denise at Paula Esperas para panoorin ang three-in one live concert ng tatlong sikat na K-Pop stars at doon lamang naming nasaksihan ang mainit na pagtanggap ng Pinoy fans sa mga K-Pop stars.

Seven ng gabi pa ang simula ng concert pero as early as 10 a.m. ay unti-unti nang kumakapal ang K-Pop fans kaya punuan ang mga restaurants maging ang Gateway mall na katabi lamang ng Smart Araneta Coliseum.

Base sa data, talo pa ng Pilipinas ang South Korea pagdating sa mga K-Pop fans kung saan nangunguna ang Indonesia, pangalawa ang Japan at pangatlo ang Pilipinas. Pumapang-apat lamang ang South Korea kasunod ang Thailand, Brazil, Mexico, India at Malaysia.

Pagdating sa Twitter, number one pa rin ang Indonesia at pumapangalawa naman ang Pilipinas.

Sa labas ng coliseum ay nagkalat ang mga nagbebenta ng iba’t ibang merchandising materials or souvenirs ng tatlong featured stars nang gabing `yon at may kani-kanyang bitbit na battery operated lights ang Pinoy fans na kanilang ikinakaway in every performance ng mga K-Pop star kaya napakagandang tingnan.

Karamihan sa mga songs nila ay Korean at minus-one lamang ang gamit pero walangpakialam ang fans dahil sa visuals na ipinakikita ng mga artist na lahat magagaling kumanta, mag-perform at sumayaw. Alam din nila ang kiliti ng kanilang fans.

Ang singer, actress at host na si Denise Laurel ang nagsilbing host at moderator para lalong ma-perk up ang energy ng audience.

Sa tatlong K-pop stars na nagtanghal, tanging si Jeon Somi (dating member ng 1.0.1. who went solo) lamang ang fluent mag-Ingles dahil siya’y ipinanganak at lumaki sa Windsor, Canada. Sa tulong ni Denise at ng interpreter ay naibabahagi sa audience ang mensahe ng mga K-Pop artists.

Si Baekhyun (Byun Baek-hyun) ay member ng South Korean and Chinese boy band na EXO habang si B.I. (Kim Han-bin) ay isang South Korean singer-rapper, songwriter, dancer and record producer at dating leader ng boy group na iKON.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng Pinoy fans, nangako sina Baekhyun, Jeon at B.I. na muli silang babalik ng Pilipinas.

Samantala, abangan ang susunod na K-Pop stars na magtatanghal sa Pilipinas on August 11, 2023 (Friday) at 7 p.m. sa SM Mall of Asia Arena produced ng OctoArts Entertainment, ang “The Super STAGE by K-Pop” featuring Mamamoo+, isang girl group na pinangungunahan nina Solar at Moon Byul.

Kung pagbabasehan namin ang audience reaction, maihahalintulad ang mga K-pop group ngayon sa Puerto Rican teen group na Menudo nung dekada otsenta na pinagmulan nina Ricky Martin, Robby Rosa at Charlie Rivera Masso, among others.

Angelica at Gregg hinihintay pang maglakad si Baby Bean bago magpakasal

Angelica1VERY hands-on ang engaged couple nasina Angelica Panganiban at Gregg Homan as parents sa kanilang first born na si Amila Sabine kaya nasubaybayan nila ang many firsts ng kanilang daughter na kanilang binigyan na nickname na Baby Bean who was born on September 20, 2022.

Dahil sa pagiging active sa kanilang vlog nina Angelica at Gregg ay nasusubaybayan ng netizens ang mga kaganapan sa buhay ng couple at ng kanilang unang supling.

Samantala, malamang na matuloy na ang kasal ng dalawa sa isang taon kapag nakakapaglakad na si Baby Bean at puwede nang maging flower girl.

Si Cherrie Pie Picache ang nagsilbing matchmaker or cupid nina Angelica at Gregg while they were taping “Walang Hanggang Paalam” in Subic kung saan naka-base si Gregg.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE