Default Thumbnail

Mga senador suporado PBBM

April 17, 2024 PS Jun M. Sarmiento 35 views

Sa pagpapahinto ng wang-wang, pag-escort ng PSG sa mga execs

MATINDING suporta ang ibinigay ng mga senador kay Pangulong Ferdinand Marcos jr. matapos na mag isyu ito kamakailan ng pag ba ban sa mga Wang-Wang at iba pang signaling devices o gamit sa gitna ng kalye lalot sa mga opisyales ng gobyerno na ginagamit sa gitna ng matinding trapiko.

Ayon kay Sen. Joseph Victor Ejercito, kapuri puri ang desisyon na ito ng pangulo lalo pa at marami sa mga opisyales aniya ang na fe “feeling entitled” kung saan ay nagpapakitang gilas ang mga ito sa paggamit ng mga nasabing wang wang devices, ilaw at maging ang pagamit ng Highway Patrol Group na taga escort ng mga ito sa gitna ng kaliwat kanan na trapiko sa Metro Manila at ibat ibang lungsod sa bansa.

“Nakakahiya po talaga ito at tama lamang si Pangulong Marcos jr. na tuldukan ang ganitong pang aabuso,” ani Senator Joseph Victor Ejercito, na kilala bilang biker sa kalye kung saan ay sinabi niyang 100% ang kanyang saludo at suporta kay Marcos jr. sa desisyon na ito.

“The feeling of being entitled must stop once and for all.” ani Ejercito na nagpaliwanag din kung gaano ang dating ng ganitong pang aabuso sa kalye sa mga ordinaryo Pilipino na nagmumukhang second class citizen aniya ng sarili niyang bansa dahil sa ganitong uri ng kalakaran sa kalye.

Para naman kay Senate Majority Leader Joel Villanueva nakakabilib ang ganitong desisyon ni President Marcos jr kung kayat minabuti niyang imungkahi na gawin itong opisyal na batas upang sundin at respetuhin ng sinuman at anuman oras.

Sa kanyang kanyan Senate Bill 2635 o tinagurian na the Anti- Wang-Wang Sirens Act” sinasabing dapat umanong tapusin na ang ganitong uri ng pang aabuso at tanging ang mga tamang ahensiya lamang ng gobyerno ang may karapatan na gamiting ang mga naturang signaling devices sa gitna ng kalye tulad ng mga ahensiya ng Land Transportation Office gayundin ang Metropolitan Manila Development Authority.

“As public officials, responsibility po natin na maging example sa ating mga constituents lalong lalo na sa pagsunod sa batas trapiko. Huwag na po sana tayong dumagdag pa sa kalbaryo na dinaranas ng taong bayan sa araw-araw na pagtitiis nila sa trapiko natin sa ibat ibang lugar.” ani Villanueva kung saan ay pinapurihan niya ang AO No. 18 na inisyu ng Pangulo na nagbabawal nga sa paggamit ng wang wang at iba pang kauri nito bilang signaling devices sa mga opisyales at tauhan ng gobyerno sa mga kalye sa ibat ibang siyudad.

“The indiscriminate use of beacons, sirens, and other emergency vehicle lights and audio accessories by motor vehicle drivers and/or owners, particularly politicians, poses a significant road safety concern in the Philippines.

This misuse not only creates hazards on the road, but also erodes public trust in the responsible operation of motor vehicles, especially when such misuse is committed by public officials to gain undue advantage or assert unwarranted authority over other road users,” ani Villanueva sa kanya SB 2635.

Sa ilalim din ng naturang panukala, bukod sa MMDA at LTO, ang mga ahensy na pwedeng gumamit ng mga naturang devices ay ang AFP, PNP, National Bureau of Investigation, Bureau of Corrections, Bureau of Jail Management and Penology, at ibang pang marked vehicles ng mga law enforcement agencies, at emergency response vehicles tulad ng Bureau of Fire Protection at mga ambulances na dapat accredited naman ng Department of Health.

Ang mga lalabag sa batas ay haharap sa pagbabayad ng P1,000 sa unang offense, P2,000 sa pangalawang offense, at P5,000 naman sa ikatlong offense. Samantala, haharap naman sa posiblen isang taun na suspension ang palagian ng gumagawa ng ganitong uri ng paglabag at pwede rin magkaroon ng rebokasyon sa lisensiya ng mga patuloy na umaabuso depende sa naging kaso.

Para naman kay Senator Grace Poe na siyang chair ng senate committee on Public Services ang ganitong direktiba mula sa Pangulo ay napapanahon at akma sa kasalukuyan sitwasyon kung saan iginiit niya na dapat lamang maging ehemplo ng marami nating kababayan ang ating mga pinuno at mga lingkod bayan sa gobyerno sa tamang pagamit ng kalye.

“It is a must for us as government officials to know what it means to suffer inside the traffic congestion so that we will know what an ordinary Filipino is experiencing. This is the only way that we can be motivated in finding the right possible solution to the traffic problem.” ani Poe na nagsabing hindi pwedeng ordinaryo Pilipino lamang ang dapat magtiis ng trapik.

Para naman kay Sen. Imee Marcos, hindi dapat ang total ban sa pagamit ng mga nasabing devices kundi dapat gawin regulated.