Default Thumbnail

Mga programang ipinatupad sa BOC, malaking tulong!

December 17, 2023 Vic Reyes 140 views

Vic ReyesDALAWANG linggo na lang ay matatapos na ang taong 2023.

Papasok na ang 2024, isang “leap year.” Ang ibig sabihin nito ay may 366 days (kesa 365) ang taon kasi madadagdagan ng isang araw ang buwan ng Pebrero.

Kapag leap year ay may 29 days at hindi 28 ang tinatawag na “Buwan ng mga Puso.”

Sa pagpasok ng bagong taon, marami sa appointed government officials at employees, nasyonal at lokal, ang kinakabahan na.

Pati na ang mga presidential appointees, casuals, contractuals at iba pang lingkod-bayan na walang security of tenure.

Lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga opisinang hindi nakapag-deliver nitong 2023.

Sa aduana, ang tingin naman ng mga observer, kasama na ang mga customs-based journalists, ay maayos naman ang kanilang mga trabaho.

Madalas nga ay pinapupurihan pa ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kanyang mga opisyal at tauhan.

Ayon sa Ilocanong hepe ng Bureau of Customs, nananatiling tapat sa kani-kanilang trabaho ang men and women in BOC uniform.

Inaasahan ngang maaabot ng mga taga-BOC ang kanilang 2023 revenue collection target na mahigit P900 billion.

Sa totoo lang, hindi lang maaabot kundi malalampasan pa ng ahensya ang assigned tax take nito bago pa magtapos ang taon.

Malaking tulong kasi ang iba’t ibang programa at proyekto na ipinatupad nina Comissioner Rubio para mapaganda ang serbisyo sa aduana.

Isa na diyan ang digitalization ng mga proseso na nagresulta sa maasyos at mabilis na transaksyon sa mga opisina ng BOC.

Pag-upo ni Pangulong Bongbong Marcos sa Malakanyang, kaagad niyang inutusan ang BOC na tapusin na ang ismagling sa bansa.

Malaki kasi ang nawawala sa kaban ng BOC sa pagpasok ng mga kontrabando sa bansa, kasama na ang mga produktong agrikultura.

Malaking pahirap sa mga magsasaka at mangingisda ang pagdagsa ng mga puslit na produktong agrikultura sa Pilipinas.

Marami na ngang magsasaka at mangingisda ang naghanap nang ibang trababo dahil hindi sapat ang kanilang kinikita.

Tuloy, maraming farmlands ang nakatiwangwang ngayon.

Mahirap na nga ang trabaho sa bukid eh madalas kulang pa ang pinagbilhan ng ani para bayaran ang kanilang mga utang.

Sobra kasi ang taas ng production costs ngayon ng mga rice and corn farmer.

***

Dahil sa nararanasang paglamig ng panahon, usong-uso ngayon ang ubo, sipon at trangkaso lalo na sa mga bata.

Ang masakit, may mga pamilyang walang kapera-pera para ipagamot ang mga bata.

Mabuti na lang at may mga gamot at bitamina pang nahihingi ng mga residente sa mga health center sa bayan at barangay.

Sana naman huwag mawalan ng mga gamot ang mga health center na ito para maiwasan ang pagkalat ng respiratory diseases.

Kahit hindi pa ipinag-uutos ng gobyerno ay dapat magsuot tayo ng face mask kapag tayo ay lumalabas ng bahay para hindi tayo makahawa at mahawa.

Tama ang sabi ng marami nating kababayan. Walang masama kung lagi tayong susunod sa mga simpleng health protocol.

****

Dapat may maiwang magbabantay sa bahay kung tayo ay pupunta sa simbahan para sa siyam na araw na “Simbang Gabi.”

Huwag natin kalimutan na nandiyan pa rin ang mga miyembro ng “Akyat Bahay” na naghihintay lang na malingat tayo.

Hindi sapat na ikandado lang natin ang ating mga bahay dahil madaling sirain ang mga kandado.

Kahit may kapitabahay pa tayong kamag-anak, hindi naman sa lahat ng oras ay mababantayan nila ang ating tirahan.

****

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE