Mccoy

McCoy, excited makatrabaho si Nadine

July 13, 2022 Vinia Vivar 391 views

Excited na si McCoy de Leon na makatrabaho si Nadine Lustre sa psychological thriller na Deleter ng Viva Films.

Nakasama na raw niya ito noon sa It’s Showtime pero first time niyang makakasama sa isang pelikula.

“Nalaman kong makaka-work ko siya at mayroon kaming role na talagang connected kami, tinitingnan ko na ‘yung mga picture niya para ‘pag nakita ko siya sa personal, hindi ako mabigla. Kasi baka mabigla ako, hindi ako makaarte,” ani McCoy sa story conference last Monday.

Ngayon pa nga lang ay pinaghahandaan na niya ang mga eksena niya dahil magsisimula na ang shooting nila sa Agosto.

Bukod kay McCoy, nasa storycon din si Nadine at ang isa pang lead actress na si Louise delos Reyes, gayundin ang direktor na si Mikhail Red.

Nakatrabaho na ni McCoy si Direk Mikhail sa pelikulang Block Z kaya nang i-offer sa kanya ang Deleter ay tinanggap niya agad.

“Nu’ng pini-pitch sa akin ‘yung istorya, kung may question ako, sabi ko ‘wala akong question, gusto ko pong gawin.’ Kasi, nakatrabaho ko na si Direk, quality and parang masasabi ko na unique rin ang mga proyekto niya.

“Kaya nu’ng nalaman kong sinama ako ni Direk, kahit na extra, gusto ko, eh,” kwento ni McCoy.

Excited din daw siya na makatrabaho si Louise dahil first time rin niya itong makakasama.

“Pare-parehas kaming galing sa loveteam, siguro, it’s time for us to explore more sa craft namin,” sey ni McCoy.

AUTHOR PROFILE