Robin

Paggamit sa tunay na pangalan, paggalang ni Robin sa Senado

July 13, 2022 Jun Nardo 351 views

HINILING ni Senator Robin Padilla sa Senado na opisyal na gamitin ang tunay na pangalan niyang Robinhood Padilla sa sa lahat ng Senate communications at correspondences sa sulat na ipinadala niya.

Bahagi ng rason ng senador sa sulat, “Mainam po kasi na tunay na pangalan ko po ang gamitin sa records ng Senado.”

Paggalang din daw ’yon sa institusyon.

Of course, puwede pa rin naman siyang tawagin na “Robin” sa kaswal na batian.

Eh, anuman ang gamiting pangalan ni Robin, Robin Padilla will always be Robin Padilla sa lahat ng nagmamahal at bumoto sa kanya.

NAGPAKILIG

NAGPAKILIG ng fans at netizens ang Sparkle artist na si Allen Ansay nang yayain ang ka-loveteam na si Sofia Pablo upang maging date niya sa GMA Thanksgiving party sa upcoming vlog ng teen actor.

May pa-banner pa si Allen na inilabas sa Twitter ng Sparkle GMA Artist Center na nakatatak ang, “Will you be my JOLLY date at the GMA Gala Night?”

Kalakip din ng tweet ang picture ni Allen na nakahawak sa baywang ni Sofia at ‘yung isang photo ay nakaluhod siya na hinihintay ang sagot ni Sofia.

Nagkasama na GMA series sina Allen at Sofia kaya huwag nang alamin pa kung ano ang sagot ng teen actress, huh!

AUTHOR PROFILE