Default Thumbnail

Mayor Honey sinuspinde klase dahil sa yellow rainfall alert

September 2, 2022 Edd Reyes 205 views

NAGDEKLARA ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas, pribado man o pampubliko, si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan Biyernes ng hapon makaraang maglabas ng yellow rainfall alert ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inihayag ito ng tagapagsalita ni Mayor Honey na si Atty. Princess Abante batay na rin sa Department of Education Order No. 37 Series of 2022 na may petsang Setyembre 01, 2022 na kilala bilang gabay sa kanselasyon o suspensiyon ng klase at trabaho sa paaralan kung sakali at may sakuna at iba pang uri ng kalamitad.

Ang Lungsod ng Maynila ay inaasahang makakaranas ng matinding buhos ng ulan na magpapatululoy hanggang gabi matapos ibabala ng PAGASA ang yellow rainfall advisory na dahilan upang magdesisyon si Mayor Honey na suspendihin ang pasok sa lahat ng antas, kabilang na ang online class.

AUTHOR PROFILE