Maymay

Maymay, bet gumala sa Disneyland at Times Square

July 1, 2022 Ian F. Fariñas 338 views

EXCITED na ang Star Magic artists na kasama sa Beyond the Stars US Tour na gaganapin sa Agosto sa Los Angeles, California at New York City dahil ito ang kauna-unahan nilang pagbiyahe na magkakasama mula nang mag-lockdown dahil sa Covid-19 pandemic three years ago.

Ngayon pa lang, balak nang tuparin ni Maymay Entrata, isa sa Beyond the Stars US Tour performers, ang matagal nang pangarap na magpunta sa Disneyland at Times Square.

“Kung makasingit ako at saka kung ’di kami jetlag,” ani Maymay sa virtual mediacon ng Beyond the Stars.

“Meron po kasi akong puso bata, nandito pa rin,” diin niya.

Makakasama ni Maymay sa US tour ang ilan pang sikat na Kapamilya stars gaya ng loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Alexa Ilacad at KD Estrada, sina Kim Chiu, Zanjoe Marudo, Carlo Aquino, Andrea Brillantes, Edward Barber, Charlie Dizon, atbp.

Makakaasa raw ang ating mga kababayan sa Amerika ng all-out performance mula kina Maymay at mga kasama para mabigyan ng kasiyahan ang OFWs na matagal hindi nakauwi dahil sa lockdown.

Sa ngayon, focused si Maymay sa kanyang singing career.

Katunayan, may bago siyang album na lalabas na mala-Amakabogera ang peg.

May kick-off performance ang BTS sa Resorts World Newport Performing Arts Theater sa July 23 at iikot sa King Theatre, Brooklyn, New York sa August 6, The Warfield, San Francisco, California (Aug. 12) at Saban Theatre, Beverly Hills, Los Angeles, California. (Aug. 14).

AUTHOR PROFILE