Kris

Mga nagre-react sa perlas ni Kris, sinagot ni Lolit

July 1, 2022 Ian F. Fariñas 252 views

SINAGOT ng talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis ang mga taong nagre-react sa pagsusuot ni Kris Aquino ng mamahalin at bonggaderang South Sea pearls necklace mapa-ospital o loob ng bahay.

Sa kanyang Instagram account, ipinaliwanag ni ’Nay Lolit na may feng shui ng nagsabi kay Kris na panlaban ito sa sakit at mga negativity sa paligid.

“Ang pearl lang daw ang jewelry na buhay o may life kaya ito lang ang pwede absorber ng ating katawan. Kaya dahil naniniwala dito si Kris lagi siyang may suot na pearl jewelry araw-araw, be it necklace, ring, pendant o bracelet.

“Si Kris talaga believer ng mga feng shui at oriental medication kaya naman traditional ang kanyang mga paniniwala,” dagdag paliwanag pa ni ’Nay Lolit.

Nanghingi rin ng karagdagang dasal ang talent manager/showbiz columnist para sa mag-iinang Aquino matapos ibalita ni Kris ang pagkakaroon nila nina Josh at Bimby ng Covid-19 sa Amerika.

AUTHOR PROFILE