Default Thumbnail

Masayang inuman sa bisperas ng Pasko, nauwi sa madugong saksakan sa Ermita

December 27, 2022 Jonjon Reyes 207 views

ANG masaya sanang inuman nito lamang bisperas ng Pasko ay biglang humantong sa malagim na kamatayan matapos pag-uundayan ng saksak ang isang 43-anyos na construction worker sa Ermita, Lungsod ng Maynila.

Dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang residente ng Agoncillo St., Ermita sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspek na may alyas na “Mario,” ng residente umano ng Paco, Maynila.

Base sa ulat na isinumite ni Detective Arvy Macarasig at Det. Christian Joseph Pineda kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas 6:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Escoda at Benitez Streets sa Paco, Manila.

Sa ginawang imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at ang suspek subalit nagkaroon diumano ng mainitang pagtatalo at dito na nauwi ang pananaksak sa biktima.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek at naiwang naliligo sa sariling dugo ang laborer.

Patuloy ang manhunt operation ng mga tauhan ng MPD Station 5 at ng Homicide Section sa tumakas na suspek.

AUTHOR PROFILE