Default Thumbnail

NPA, ‘hirap’ sa komunikasyon sa gitna ng pagpanaw ni Joma – AFP

December 27, 2022 Zaida I. Delos Reyes 221 views

DUMARANAS na ng “breakdown in communication lines” ang pamunuan ng New People’s Army (NPA) dahil sa pagkawala at pagkamatay ng matataas na leader ng kilusan.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar.

Aniya ang pagkamatay ni CPP (Communist Party of the Philippines) Chairman Jose Maria “Joma” Sison nitong Disyembre 16 sa The Netherlands ay nagdulot din umano ng “kawalan ng saysay ng patutunguhan at adhikain” ng mga miyembro ng kilusan na nagdiwang ng ika 54th founding anniversary nitong Lunes, Disyembre 26, 2022.

“There is a breakdown in the communication lines between the CPP Central Committee and its subordinate organs and armed group (NPA). This is primarily due to the neutralization of many of the CPP top leaders: Julius Giron; Menandro Villanueva; Jorge Madlos; etc., the silence and long absence of their supposed Chairman now, Benito Tiamzon, and the loss of their mass bases and mass organizations,” pahayag ni Aguilar.

Sa kasalukuyan, ang CPP ay maryroon na lamang 23 guerilla fronts kung saan tanging lima na lamang ang may kakayahang magpatupad ng programa habang ang natitirang 18 ay mahihina at halos naghihinalo na ayon sa AFP.

“This gives the military the opportunity to focus its superior capability against the five while the civil government needs only to implement programs that will address the source of peoples’ discontent to render the UGM’s AOM (agitate, organize and mobilize) activities inutile,” paliwanag ni Aguilar.

Matatandaang binuo ni Sison ang CPP noong 1968.

Ayon kay Aguilar, pawang mga press releases at statements na lamang ang kayang gawin ng spokesperson ng CPP-NPA upang mapanatiling nakalutang ang organisasyon.

“To keep the organization afloat, the CPP, through a digital person known as ‘Marco Valbuena’ can only come up with press releases and statements to convey the party’s directive and message to its lower organs and armed group, including its threat of tactical offensives,” ani Aguilar.

Sa pagkamatay ni Sison, inihayag naman ng CPP na hindi sila magpapatupad ng “ceasefire” ngayong holiday season.

Ang panawagan umano ng NPA sa kanilang mga kasamahan na magsagawa ng tactical offensives laban sa tropa ng militar ay naglalayon lamang na mapigilan ang “total disintegration” ng organisasyon.

Ayon pa kay Aguilar, “The CPP is now more likely to strengthen its hold to what remains of its fighters and followers, hence the directive to conduct tactical offensives in order to avoid disintegration and collapse.”

Ayon sa opisyal, sa mahigit na 50-taon, “bigo” ang CPP na makamit ang kanilang layunin kahit pa umabot sa 28,000 ang naging miyembro ng mga ito sa kalagitnaan ng dekada ‘80.

“Indeed, 54 years is more than enough. The country’s suffering must end now, 54 years after it was founded, the underground movement never achieved anything significant to get closer to its goal, violent overthrow of the government, seizure of political power, and overhaul of the political system,” dagdag pa ni Aguilar.