Marshall Inihayag ni Marshall Islands President Hilda C. Heine na tutulong ang kanilang hanay sa Pilipinas laban sa pangbu-bully ng China.

Marshall Islands tutulong sa PH sa pagdepensa sa WPS

March 8, 2024 Chona Yu 114 views

NAKAHANAP ng kakampi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdepensa sa Pilipinas laban sa harassment at pangugulo ng China sa Filipino vessels sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapps ihayag ni Marshall Islands President Hilda C. Heine na tutulong ang kanilang hanay sa Pilipinas.

Ginawa ni Heine an g pahayag sa courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang.

Hinikayat din ni Heine si Pangulong Marcos na ikunsidera ang pakikipag ugnayan sa Pacific Islands Forum (PIF).

“I want to raise concerns over PRC [People’s Republic of China] present actions on the South China Sea. This is a concern not only for the 7 for us in the region as well who look forward to a secure region,” pahayag ni Heine.

“We suggest that the Philippines consider contacting Pacific Islands Forum for support. First of all, the team of the Pacific Island countries there are numbers of the forum,” dagdag ni Heine.

Tiniyak pa ni Heine kay Pangulong Marcos na susuporta ang kanilang hanay sa ano mang desisyon ni Pangulong Marcos.

Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Heine.

“So, I hope that Marshall Islands will be able to support us on that. I think, we have the same interest and we have the same values,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nabuo ang pormal na diplomatic relations ng dalawamh bansa noong September 15, 1988.

AUTHOR PROFILE