Marissa

Marissa ayaw nang magkaroon ng lovelife

November 25, 2023 Aster Amoyo 240 views

Marissa1SINGER, actress-comedienne, host and book author Marissa Sanchez is mounting her concert titled “Valentines in December” at the 1,000 sitting capacity Samsung Hall of SM Aura in Bonifacio Global City, Taguig on December 8, 2023 (Friday) at 8 p.m. with entertainment writer-turned actor-comedian, talent manager and successful vlogger Ogie Diaz as special guest together with the Original Prince of Pop Dingdong Avanzado and singers-actors na sina JM de Guzman, Jeffrey Hidalgo, Ronnie Liang at Wilbert Ross. Makakasama rin ang Mulatto Boys as opening act. Si Maestro Elmer Brillantes Blancaflor ang tatayong musical director with Vivian Poblete-Blancaflor as concert director. This is jointly produced by Viva Artists Agency (VAA) and EV Production and Events. Concert tickets range from P1,000, P2,000 and P2,500. Magsisilbi rin ang concert as her re-launch ng kanyang kauna-unahang fast-selling book which she authored na pinamagatang “My Farewell Slam Book – with Scrapbook” na nabibili rin online sa pamamagitan ng Shopee and Lazada.

Since the first time we met Marissa, we have always admired the lady dahil sa kanyang husay sa paghu-host, pagkanta at pagpapatawa kaya naman hindi ito nawawalan ng proyekto sa kanyang home studio, ang Viva. This year alone ay meron siyang pitong pelikula at series tulad ng “Baby Boy, Baby Girl,” “The Ship Show,” “Wild Flowers,” “Sa Muli,” ang second university series na “Safe Skies, Archer,” ang Metro Manila Film Festival movie na “Penduko” at kasama rin siya sa pelikulang “A Glimpse of Forever” ni Jasmine Curtis.

Si Marissa ay in-demand din sa mga corporate shows bilang host, singer and performer laluna ngayong December dahil sa kabi-kabilang Christmas parties.

Napaka-colorful ng buhay ni Marissa na puwedeng isadula sa “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.

Hindi nito na-enjoy ang kanyang kabataan dahil at age 11 ay kumakanta na siya to earn a living for her family at sa kanyang pag-aaral dahil maagang nagkahiwalay ang kanyang parents.

Since bata pa siya ay kumakanta na siya, bitbit niya ito hanggang sa kanyang paglaki and up to the present time at ito na ang kanyang ginawang propesyon. Since may kani-kanya nang buhay at pamilya ang kanyang mga kapatid at sumakabilang-buhay na rin ang kanyang ina, it is just her, her daughter Summer and a helper ang magkakasama sa isang condo unit in Quezon City.

She admitted to us that she had two failed marriages and is not looking for another one.

Sa ngayon ay priority ni Marissa na mabigyan ng magandang future ang kanyang kaisa-isang anak.

Simon naging waiter, busboy at bartender bago nag-artista

SimonHINDI ikinakaila ng mahusay na actor na si Simon Ibarra na siya’y namasukang dish washer, waiter at bartender in Canada when his family migrated sa nasabing bansa.

He was ten years old when his father passed on at mag-isa silang walong magkakapatid itinaguyod ng kanilang ina.

Nasa second year college na noon si Simon in engineering sa Technological College of the Philippines (Quiapo branch) when he quit dahil nag-migrate na sila. Pagdating ng Canada ay hindi niya maipagpatuloy ang college doon dahil wala siyang school documents na dala. Kaya bumalik siya roon ng Grade 11 & 12 at dalawang beses siya bale nag-graduate ng high school – sa Pilipinas at sa Canada. When he was ready to start college in Canada ay dumating naman ang opportunity for him to join “Mr. Bodyshots – Canada” in 1996 at siya ang pinalad na manalo. Kasama sa mga tumayong hurado ay ang talent manager na si Ed Instrella at mga talents nitong sina Cherrie Pie Picache at Gardo Versoza. After the competition ay inabot ni Ed ang kanyang business card kay Simon sakaling bumisita ito ng Pilipinas.

Since merong “Mr. Bodyshots” sa Pilipinas, his friends prodded him to join the competition in the Philippines in 1997 at ito ang naging dahilan ng kanyang muling pagbabalik sa bansa. Pero sa halip na siya’y sumali sa “Mr. Bodyshots Philippines” ay napunta siya sa acting when he was introduced to director-producer William Pascual na siyang nagbigay ng kanyang debut film, ang sexy movie na “Masarap ang Unang Kagat” kung saan niya naging kabituin sina Karla Estrada at Sabrina M. He was also in the movie “Soltera” ni Maricel Soriano, “Madame X” ni Ina Raymundo at “Live Show” nina Ana Capri at Klaudia Koronel where he earned his first Gawad Urian nomination for Best Supporting Actor hanggang maging sunud-sunod na ang kanyang paggawa ng pelikula na sinundan ng mga TV drama series sa bakuran ng ABS-CBN na kanyang sinimulan in “Tayong Dalawa”, “My Binondo Girl,” “Ang Iyo ay Akin” at iba pa. He also did quite a number of indie movies tulad ng “Tirador,” “Bakal Boys,” “Culion,” “Cuchera,” “Kadin” at marami pang iba.

Si Simon ay may bagong movie ngayon, ang family drama movie na “Unspoken Letters” na palabas sa mga sinehan sa darating na December 13. Ito’y produced ng Utmost Creatives Motion Pictures. Tampok sa nasabing pelikula ang international award-winning actress na si Jhassy Busran kasama ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Gladys Reyes, Matet de Leon, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Henrick, Kristine Samson at MJ Manuel at magkakatulong na pinamahalaan ng tatlong director na sina Gal Alaman, ang Italian director na si Paolo Bertola at Andy Andico as associate director.

Ang “Unspoken Letters” ay magkakaroon ng red carpet premiere sa Cinema 6 ng Trinoma ngayong Huwebes ng gabi, November 30 sa ganap na ika-6 at palabas sa mga sinehan simula sa December 13, 2023 distributed by Reality Entertainment ng mag-business partners na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

Bukod sa kanyang bagong movie, may dalawa ring tumakbong serye si Simon sa ABS-CBN at GMA, ang “Nagaapoy na Damdamin” at ang action-drama na “Black Rider”.

Simon who is Rogelio (Roger) Matira in real life, got his screen name from director-producer William Pascual nang gawin niya ang kanyang unang movie, ang “Masarap ang Unang Kagat” in 1997.

He married his high school sweetheart na si Atty. Rowena Castro-Matira who is a corporate and litigation lawyer with whom he has three lovely daughters na ang panganay na si Nina (25)ay nagtapos sa Miriam College ng Psychology and is currently taking her masteral course habang ang pangalawa na si Allyah (22) ay nag-aaral ng Legal Management sa UST Law School at ang bunso na si Mikka (19) ay kumukuha ng Behavioral Science sa UP Manila.

“My mother, my wife and my three daughters – sila ang mga babae sa buhay ko ngayon,” pahayag ni Simon.

Hindi ikinakaila ng actor na dumaan din sa pagsubok ang relasyon nila noon ng kanyang wife na kasintahan pa lamang niya noon nang siya’y mag-migrate sa Canada.

“Nagkaroon ako ng ilang girlfriends doon,” pag-amin niya.

“Nagkaroon din naman siya (Rowena) ng boyfriend dito,” dugtong pa niya.

Pero kapag dumarating ang mga special occasions tulad ng birthday at Christmas ay hindi umano siya nakakalimot magpadala ng card kay Rowena.

Pagbalik niya ng Pilipinas nung 1997 ay muli silang nagkita at ayaw na umano nilang maghiwalay pa. May girlfriend siyang iniwan sa Canada and at that time ay may boyfriend na si Rowena. They got married in civil rites on April 2, 1997 na sinundan ng kanilang church wedding nung January 8, 1998 at umuwi ang pamilya ni Simon na nasa Canada.

“My wife and I were really meant for each other kahit matagal kaming nagkalayo,” pag-amin pa ni Simon.

Mga napapabalitang naghiwalay tikom ang bibig

PicKimRichardPic1KrisKUNG kelan magpa-Pasko ay saka naman sunud-sunod ang mga napapabalitang break-ups ng ilang celebrity couples tulad nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, Kim Chiu and Xian Lim, Richard Gutierrez and Sarah Lahbati , Kris Aquino at Mark Leviste at ang pinaka-latest ay ang magkasintahang Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Although this has yet to be confirmed or denied by the parties concerned, kailangan na rin siguro nilang magsalita para matigil na rin ang iba’t ibang espekulasyon na may kinalaman sa naglalabasang balita about them. Kung sinu-sino na ring iba’t ibang personalidad ang nadadawit habang tumatakbo ang mga balita.

Totoo nga ba ang naglalabasang balita o fabricated stories lamang ito ng ibang tao? Bakit hindi ito i-deny ng mga taong nasasangkot sa balita kung hindi totoo para hindi sila patuloy na pinagpi-piyestahan at matigil na ang usaping ito?

Sa kabilang banda naman, marami ang naniniwala that `silence means yes’ kaya may bahid din ng katotohanan ang mga naglalabasang balita.

Sa case nina Kris at Mark, si Kris mismo ang nagbalita sa kanyang IG account na wala na (naman) sila ng vice governor ng Batangas habang patuloy na umaasa ang businessman at politician na muli silang magkakabalikan ng dating Presidential daughter and sister.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE