Marian

Marian, umalma sa pekeng socmed post

February 7, 2024 Vinia Vivar 115 views

Kaagad na nilinaw ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang tungkol sa isang Facebook post kung saan naka-quote siya at pinalalabas na sa kanya galing ang mga salita.

Sa isang artcard na kumakalat ngayon, mababasa ang quotation diumano ng aktres na ganito ang nakasaad:

“Kaway-kaway sa mga swerte sa biyenan! Hindi man sweet sa social media, pero mabait, concern sayo at sa mga bata, di sinusulsulan ang mga anak nilang lalake, at mahal ka rin na parang totoong anak niya.”

Nang makita ito ni Marian ay kaagad niya itong klinaro sa sariling Facebook account.

“Hindi ko to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!!” pahayag ni Marian.

Dagdag pa niya, “Nakakarami na po kayo. tama na!”

Kumampi naman ang maraming netizens sa kanya at sinabing imposible nga itong sabihin ni Marian.

“Yeah. So obvious na Di galing sayo ang statement,” sey ng isang follower ni Marian.

“Maraming ganyan, minsan k Sara Lahbati minsan k Kylie Padilla, gumagawa sila ng kwento. Marami pa nmn naniniwala,” komento naman ng isa pang netizen.

“Alam ko na hindi mo yan sasabihin kasi close ka kay Carmina at Annabel Rama,” sabi naman ng isa pa.

Good thing na nagbigay agad si Marian ng paglilinaw dahil marami ang nagbanggit ng pangalan ni Annabelle Rama sa naturang fake quote card at akala ng iba ay pinariringgan ng aktres ang ina ni Richard Gutierrez.

AUTHOR PROFILE