Default Thumbnail

MAMBOBOSO KALABOSO!

June 19, 2023 Edd Reyes 204 views

PAGHAHABOL ng hininga at impit na daing ang nagpahamak sa isang fork lift operator upang mabisto sa umano’y pamboboso sa dalagang roommate habang naliligo ng hubo’t-hubad sa loob ng banyo Linggo ng gabi sa Malabon City.

Napasigaw ang 25-anyos na kaherang dalaga nang makita sa maliit na siwang ng bintana ng banyong nakalaan lamang sa kababaihan ang pamboboso ng lalaking ka-roommate sa kanyang hubad na katawan na dahilan upang kaagad na magtapi at lumabas ng banyo upang magasumbong.

Kasama ang iba pang ka-roomate na babae, nagtungo ang magandang kahera sa barangay upang isuplong ang pamboboso sa kanya ng suspek habang naliligo dakong alas-10-30 ng gabi, na dahilan upang dakpin nina Christopher Mercado, barangay tanod ng Brgy. Longos,P/SSgt. Joselito Inocencio at Pat. Ralf Dandy Rosalin ng Malabon Police Sub-Station 5.

Sa nakarating na ulat kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, naulinigan umano ng dalaga ang impit na daing ng suspek na tila hinahabol ang paghinga bunga ng hindi mapigil na panggigigil habang minamasdan ang hubo’t-hubad na katawan ng naliligong biktima.

Dito na ibinaling ng biktima sa bintana ang paningin at mula sa maliit na siwang, kitang-kita niya ang ginagawang pamboboso sa kanya ng suspek.

Matapos ang ginawang pag-iimbestiga nina P/SSgt. Bengie Nalogoc at P/Cpl Marlon Renz Baniqued ng Malabon Police Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), kanilang iprinisinta ang suspek sa piskalya ng Navotas City upang isailalim sa inquest proceedings kaugnay sa kasong unjust vexation.

AUTHOR PROFILE