SC

MAKATIZENS HATI SA SC RULING

June 17, 2023 People's Tonight 287 views

PABOR umano ang ilang residente ng Makati City na mailipat ang kanilang address at maging Taguigeño, bilang pagrespeto sa pinal na desisyon ng Korte Suprema na nagtatakda na ang lokal na pamahalaan ang siyang may territorial jurisdiction sa 729 hektaryang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Bonifacio Global City at ang mga “embo barangays”.

Ayon sa ilang senior citizens, ipinanganak na sila sa Makati at doon din sila tatanda. Ibinahagi rin nila ang mga benepisyong nakukuha nila sa lungsod.

Isang residente ang nagsabing pabor ang kanyang pamilya na mailipat ng Taguig.

Isang babae ang nagpahayag ng lungkot sa paglipat ng kanilang address dahil nakasanayan na nila ito, ngunit sinabing dapat lang respetuhin ang desisyon ng Korte Suprema.

Umaasa rin ang ilang Makatizen na makukuha rin nila sa Taguig ang mga benepisyong nakuha nila sa Makati. Isa pang Makatizen ay sang-ayon ding maging residente ng Taguig at bukas siyang masubukan ang pamamahala ng mga Taguig officials.

Isang Makatizen naman ay nagpahayag ng pag-alala sa magiging mga pagbabago tulad ng pagpalit ng address, ID at mga inaasahang benepisyo.

Noong Abril 3, ipinalabas ng Supreme Court (SC) ang final and executory decision nito sa 30-taong boundary dispute sa pagitan ng dalawang local government units. Mas binigyang bigat ng hukuman ang historical, documentary at testimonial evidences na iprinisinta ng Taguig.

Nagkaroon na ng Entry of Judgment sa kaso at base sa court rules, ang desisyon ng kaso na naipasok na sa SC-Book of Entries of Judgements ay hindi na maaaring iapela o irebisa.

AUTHOR PROFILE