Maja

Maja at Rambo, handa nang magkaanak

October 6, 2023 Vinia Vivar 510 views

Anytime ay ready na ang newly-married na sina Maja Salvador at Rambo Nunez na magkaroon ng baby.

“Kung kelan ibigay,” sey ni Maja sa panayam ni Ogie Diaz.

Aniya ay matagal na rin silang work nang work kaya this time ay handa na silang bumuo ng pamilya.

“I’m turning 35 this year. So ako, ilang taon na akong yumuyugyog nang yumuyugyog. Sayaw dito, sayaw do’n, acting. ‘Di ba? So, ako naman if may work, work.

“Pero ‘pag ibigay na ni God, ‘yung blessing na ‘yun na magka-baby kami, anytime soon, siyempre. . .” sey ng aktres.

Dagdag pa niya, “Ang tagal naming nagtrabaho ng para sa amin sa future. So this time, pwede ibigay anytime. We’re ready.”

AUTHOR PROFILE