
Maine, tinawag na ‘misleading’ at ‘fake news’ ang isang broadsheet article… biyahe sa Switzerland, Italy at Greece, sariling gastos ng ArMaine couple
PALABAN si Maine Mendoza sa X (dating Twitter) kaugnay ng report na inilabas ng isang broadsheet nitong tungkol sa diumano’y biyahe nila sa Switzerland, Italy at Greece mula August 5-27.
Pinagdiinan ni Meng na galing sa sariling bulsa ang mangyayaring biyahe nilang mag-asawa sa “Fake news” daw ang inilabas ng broadsheet, tweet ni Menggay.
Matapang na paliwanag niya, “The article is still misleading and lacking context. It insinuates that this trip is at government expense. There are two kinds of ‘official’ travels and I hope you include that in your article and where this trip falls under. I will probably be asked to delete this again but I shall say it again one last time, EVERYTHING is at PERSONAL EXPENSE. 100%. No government funds will be used. Hope you can insert that somewhere in your article. Salamat.”
Ang biyahe nila papuntang Locarno ay dahil kasali ang movie ni Arjo na Topakk sa Locarno filmfest.
Nanindigan naman ang broadsheet. May dokumento raw sila galing sa kanilang sources bilang tugon sa bintang ni Maine na “fake news” ang inilabas nila.
As of presstime, inilabas ng broadsheet ang paglilinaw ng mismong House secretary general na si Reginald Velasco na sariling datung nga ng mag-asawang Atayde ang gagastusin sa biyahe.
Kinumpirma rin niya na binigyan ng House ng travel authority si Arjo bilang congressman ng 1st district ng QC.
Naku, magsalita rin sana si Cong. Atayde lalo na’t kaugnay umano sa committee work niya ang biyahe, huh!